💐
CHAPTER FOURTEEN|SACHIKO|
Naalala ko pa nang una kaming magkita ni Genesis. Hinila ko siya para makasali sa laro namin ni Andrea. Nakita ko kasi na parang ang lungkot nilang dalawa ni Hermos noon habang naka-upo sa bench at kumakain ng ice cream.
“Andrea, teka lang, ah.” paalam ko kay Andrea habang nasa itaas kami ng puno, “May iimbitahan lang akong dalawang malungkot na tao para makasali natin.”
“Sige.” ang sagot ni Andrea sa akin. Naalala ko pang nabigla ang paa ko nang bumaba ako sa puno pero hindi ko iyon ininda. Naglakad ako patungo sa kanilang dalawa. Hinila ko sila kaagad at bumalik sa puno.
Naglaro kami noon. Pero napansin ko ang batang si Genesis na tahimik. Tila hindi gusto na makalaro kami kaya naman ay hinila ko siya pataas sa tuktok ng tree house. Dinala ko siya doon at doon ko nalaman na may isa kaming pinagkakasunduan.
Ang panonood ng paglubog ng araw. Naalala ko pa ang ngiti sa mukha niya. Doon ko nakita ang pagkagusto niya sa panonood ng sunset. Kahit ako, gusto ko iyon.
Magmula noon, lagi na kaming naglalaro. Akala ko noon ay hindi talaga namin magiging close silang dalawa, lalo na si Genesis na laging tahimik lang habang naglalaro kami.
Habang sabay-sabay kaming lumalaki, napansin ko ang pag-iiba ni Genesis. Dati ay lagi siyang tahimik, ngayon ay halos hindi na maitigil ang bibig niya. Palangiti na din siya at hindi mo na makikita ang seryoso niyang mukha noon.
Nang mga panahong 'yon, alam ko nang unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya. Lagi ko siyang tinititigan kahit pa sobrang layo ko sa kaniya. Minsan pa ay kinukuhanan ko siya ng picture.
Naalala ko noon nang minsang nahuli ako ni Andrea na ginagawa ko iyon.
“Hoy, ikaw. Dati pa kita napapansin, ah. Lagi kang nakatingin kina Genesis. Tapos kinuhanan mo ng picture si Genesis sa cell phone mo.” sabi niya habang kumakain kami, “Umamin ka nga, may gusto ka na kay Genesis, ano?”
Bumuntong hininga ako at tumingin sa kaniya, “Andrea, kapag gano'n ba, ibig sabihin, gusto mo na ang isang tao?”
“P'wede. Siyempre, pang-remembrance gano'n.” sabi niya at tumawa, “Ako nga, ang dami nang pictures ni Hermos sa akin, eh.”
Napangiti ako at muling tumingin kina Genesis. At nakita kong nakatingin siya sa akin. Madaming ikinuwento si Andrea pero ni isa ay hindi ko naintindihan. Dahil isa lang ang naririnig ko ng oras na 'yon.
Walang iba kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko.
💐
NANG sabihin ang junior's night ay akala ko ay kami ang pipili ng partners namin. Iyon pala ay nag-bunutan ang teachers ng tatlong section para malaman ang magiging partner.
At grabe ang tuwa ko nang sabihing si Genesis ang magiging partner ko. Maski si Andrea ay natuwa din dahil si Hermos ang partner niya.
Sino ba namang hindi matutuwa kung magiging partner mo sa isang sayaw ang taong gusto mo, hindi ba?
Nang nagpa-practice na para sa sayaw ay sinasadya kong ilayo ang katawan ko kay Genesis. Ayokong marinig niya ang pagkabog ng puso ko. Ayokong marinig niya 'yon.
BINABASA MO ANG
I Am Your Wife
Fiksi RemajaAs we became married, we will turn a new page of our lives. And we'll spend each others lives on each others arms.