Chapter Five

4 0 0
                                        

💐
CHAPTER FIVE


“Wake up, Genesis.”

Agad kong idinilat ang mata ko nang marinig ko ang boses mo. Nakita kong nakaharap ka sa akin at napangiti ako.

“Good morning, Sachiko.” sabi ko sa 'yo at hinalikan ka sa labi, “How's your sleep? Okay ka na ba? Nahihilo ka kagabi, hindi ba?”

“Okay na ako.” sagot mo, “Tumayo ka na. Pinapapunta tayo ni Mama sa kanila. Magpahinga ka naman daw sa work mo. Isasama nila tayo mag-bakasyon for 1 week.”

“That sounds fun.” sabi ko at ngumiti, “Sabay na tayong maligo, gusto mo?”

“Kadiri ka, Genesis.”

“Para namang hindi mo pa 'to nakita ta's hindi ko pa 'yan nakita.”

“Alis! Kadiri ka!”

Tumatawa akong tumakbo patungo sa banyo. Dali ko iyong isinara nang makita kitang papalapit at kokotongan ako.

💐

“Nadala mo na ba lahat ng kailangan mo, ha?” tanong mo sa akin habang nilalagay natin sa likod ng sasakyan lahat ng kailangan natin. Ngumiti ako't lumapit sa 'yo bago ka niyakap at hinalikan.

“Oo nga, Sach. Paulit-ulit ka.” sagot ko at tumawa, “Pagkain, check. Kumot kasi lamigin ka, check. Meds mo, check. Favorite juice mo, check. Damit at underwears natin, check. Oh, ano pang kulang do'n?”

“Meron pa!” sigaw mo at tumingin sa akin, “Ikaw 'tsaka ako, kulang pa do'n kaya halika na muna do'n. Mabubungangaan na tayo ni Mama kapag nagtagal pa tayo.”

Isinara mo na ang likod ng kotse at sumakay sa shotgun seat. Umiling ako habang natatawa at pumasok na sa driver's seat. Sunod no'n ay pinatakbo ko na ang makina.

Habang nasa biyahe ay nagsasayahan tayo. Nag-uusap sa iba't ibang bagay, nagkakantahan, kumakain at kung ano-ano pa. Ilang saglit pa'y nakarating na tayo sa labas ng bahay nila Mama.

“Hello, 'Ma.” bati mo kay Mama pagkalabas mo ng kotse, “Sorry po, si Genesis kasi, napakakulit kanina kaya late kami.”

“Hay, nako. Genesis, baka binibigyan mo ng sakit ito sa ulo si Sachiko, ah.” sabi sa akin ni Mama at binatukan ako, “Alagaan mo naman ang asawa mo, aba!”

“'Ma, inaalagaan ko kaya 'yang baboy na 'yan.” sabi ko at niyakap ka, “Kahit pangit 'to tsaka mataba, aalagaan ko pa din 'to, ano. Asawa ko ata 'to.”

“Ang corny mo, Genesis. Layo.” sabi mo at tinulak ako. Naglakad ka pa patungo sa mga kapatid ko at binati din sila.

Napangiti na lang ako at sinundan ka sa kanila.

“Ate, ginugulo ka ba ni Kuya, ha?” tanong sa 'yo ni Grazy, “Kuya, bakit mo naman ginugulo si Ate, ha? Alagaan mo naman 'yung asawa mo, oh. Paano kapag 'di ako nagka-pamangkin? Humanda ka sa 'kin.”

Kinaltukan ko siya dahil para mapasigaw siya sa sakit, “Aba, makasalita ka, ah. Sino mas matanda sa 'tin, ha? Baka nakakaligtaan mo nung panahong natae ka sa---”

“Ate, oh! Nang-aasar si Kuya!” sigaw niya dahilan para matawa ako. Ikaw naman ay nanatili sa kinatatayuan mo at tinatawanan kaming dalawa.

“Ang ingay mo, Grazy.” sabi ni Granch na kakababa lang, “Ikaw din, Kuya, maingay ka din. Ang iingay niyo.”

“Aba halika dito.” sabi ko at sinakal siya gamit ang braso ko, “Porke ba lumaki ka na ginaganiyan mo na ako, ha? Baka gusto mong sirain ko ang image mo kay Heart.”

I Am Your WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon