💐
CHAPTER FIFTEEN|THIRD|
TAHIMIK ang paligid. Unti-unting idinilat ng binata ang kaniyang mata. Napatingin siya sa kisame. Purong puti ang kaniyang nakikita at wala nang iba pa.
Iginalaw niya ang kaniyang kamay ngunit hindi niya iyon magawa. Nang tumingin siya sa bintana ay nakita niyang umaga na. Napansin niyang may suot siyang hospital gown.
Successful ba ang operation? Iyon ang tanong niya sa isipan. Nagdadasal siya sa kaniyang sarili na sana nga, successful ang operasyon at hindi langit ang napapansin niya ngayon.
Napatingin siya sa gilid niya. Nakita niya doon ang natutulog na mga magulang. Umungol siya upang makagawa ng ingay at mapansin nila ito. Nagising ang ina nito at nagulat nang makitang gising na ang kaniyang anak.
Tumawag ng doktor ang ama nito. Pagbalik ay may kasama na itong doktor. Idinilat nito ang mga mata nito't tinutukan ng flashlight.
Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit hindi niya makita ang taong nais niyang makita. Tumingin siya sa mga magulang niya.
“'Ma...” sabi nito na mahina, “N-Nasaan si Sachiko?”
💐
“
BASAHIN mo. Ang sabi niya sa amin, basahin mo 'yan oras na magising ka na.” ang sabi ng ina ng kaniyang asawa at iniabot ang isang papel, “Masaya akong nagising ka na, Genesis.”
Napangiti lamang ang binata at kinuha ang papel. Binuklat niya iyon at binasa ang nakasulat sa papel.
Genesis,
Sa mga oras siguro na 'to, gising ka na. Alam kong gigising ka. Matapang ka. Napakatapang na tao mo. Alam kong lalaban ka. Para sa akin. Para sa amin.
Nang ma-comatause ka, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. But I lift my hopes up. Alam kong magigising ka din balang araw. Pasensya na kung sa paggising mo, wala ako sa tabi mo.
Alam mo na, madaming nangyari sa halos pitong buwan mong pagtulog. Iisa-isahin ko ang lahat pero gusto kong 'wag kang iiyak oras na mabasa mo na ang lahat ng nangyari sa loob ng pitong buwan.
Sa unang buwan ng pagtulog mo, may nangyari kay Grazy. She became a mess. Halos hindi na makilala ang sarili niya. She was devastated. Sino ba namang hindi? Namatay ang kakambal niya, ngayon naman ay naghihirap ang kuya niya. However, I told her that she should be strong. Para sa 'yo. Para sa pamilya niyo.

BINABASA MO ANG
I Am Your Wife
Ficção AdolescenteAs we became married, we will turn a new page of our lives. And we'll spend each others lives on each others arms.