💐
CHAPTER NINE|THIRD|
MARAMI ang natuwa nang malaman nilang sa wakas, nagkatuluyan na ang dalawang taong matagal na nilang inaasam na magkatuluyan na.
“Sabi ko sa 'yo, 'wag mong intindihin ang sinasabi ng mga 'yon, gusto lang nila maka-chance kay Sachiko.” sabi ni Hermos at inakbayan ang kaibigan, “Masaya ako para sa inyo ni Sachiko.”
“Eh, kayo ni Andrea, kailan?” tanong sa kaniya ni Genesis, “Ayaw pa kasing umamin ng aking kaibigan. Gusto mo, tulungan ka namin ni Sachiko, ha?”
“H-Hindi ko gusto 'yung baboy na 'yon.” pagsisinungaling ni Hermos at namula ang ilong nito na napansin agad ni Genesis kaya tumawa ito, “Anong tinatawa-tawa mo diyan, ha? Nababaliw ka na ba?”
“Magsisinungaling ka na nga lang, sa harap ng kaibigan mo pa.” natatawang sambit ni Genesis at tinuro ang ilong nito, “Pulang-pula na 'yung ilong mo oh. Pinocchio ka talaga, eh, 'no?”
“B-Basta! Hindi ko gusto 'yon. Diyan ka na nga!” sigaw ni Hermos at tumakbo palayo sa binata. Tinignan siya ng kaibigan habang tumatakbo palayo. Napailing na lamang siya't tumatawa sa ginawa ng kaibigan.
Naglalakad siya ngayon patungo sa bahay ng kaniyang girlfriend na si Sachiko. Natutuwa siya sa tuwing iniisip niya na sa wakas, sila na nga ni Sachiko. Kung panaginip man daw ito, ay gugustuhin na niyang manatili na dito.
Nang makapunta siya sa labas ng bahay ng dalaga ay nakita niya ang ama nito na nagdidilig ng mga halamanan nila.
“Tito.” tawag niya dito at nilapitan, “Si Sachiko po, andiyan po ba?”
“Lalabas ulit kayo?” tanong ng ama ng dalaga at tumango naman ito, “Siguraduhin mo lang talaga na lalabas lang kayo, naintindihan mo?”
“Opo naman, Tito.” sagot ng binata at tumawa, “Nasaan po siya, Tito?”
“Sachiko!” tawag ng ama nito, “Nandito na si Genesis, inaantay ka na! Lumabas ka na diyan.”
Napatawa naman ang binata at nilingon ang pintuan ng bahay ng dalaga. Pagtingin niya doon ay nakita niya ang pagbukas ng pintuan at iniluwa no'n si Sachiko—naka-puting T-shirt at naka-jumper ng beige. Nakatirintas ang buhok nito na hinati sa dalawa. Napatitig ang binata sa dalaga.
Napangiti naman ang dalaga nang makita niya ang binata. Inaamin niya sa sarili niya, naguwapuhan siya ngayon sa binata. Puting plain T-shirt lamang ito pero naaagaw pa din ng binata ang atensyon ng dalaga.
“Hoy!” sigaw ng ama ng dalaga kaya nabalik sa reyalidad ang binata, “Baka naman matunaw ang anak ko niyan, ha?”
Natawa naman ang dalawa at lumapit ang dalaga sa ama, “Daddy, alis na kami ni Genesis. Pumasok ka na, mainit na masyado dito sa labas, oh.”
Napangiti si Genesis habang tinitignan ang mag-ama sa harapan niya. Ito siguro ang isa sa mga nagustuhan niya sa dalaga—ang pagiging maalaga sa kaibigan, pamilya at nasa paligid niya.
💐
“Saan mo gusto pumunta?” tanong ni Genesis sa kaniya habang nagddrive, “Ikaw naman ang masunod ngayon. Naalala ko, noong una nating labas, ako ang nasunod, eh. Kaya ikaw naman ngayon.”

BINABASA MO ANG
I Am Your Wife
Roman pour AdolescentsAs we became married, we will turn a new page of our lives. And we'll spend each others lives on each others arms.