Chapter Eight

5 0 0
                                        

💐
CHAPTER EIGHT

|THIRD|

“ANONG sabi mo?” tanong kay Genesis ng ama ni Sachiko. Nakaupo ito sa sofa at nakatayo naman sa harapan nito ang ama ni Sachiko, “Ulitin mo nga ang sinabi mo. Baka mamaya, nabibingi lang pala ako.”

“Tito, gusto ko pong ligawan si Sachiko.” ang sagot ng bintang si Genesis, “Promise ko po na hindi ako magiging abala sa pag-aaral ni Sachiko. Hindi ko po siya sasaktan, promise ko po sa inyo 'yon.”

“At paano kung hindi mo matupad 'yon, ha? Anong gagawin ko sa 'yo?” tanong sa kaniya ng ama ng babaeng mahal niya, “Sapakin? Bugbugin? Ano?”

“Dad, tinatakot mo masyado si Genesis.” sabi ng dalaga at hinawakan sa braso ang ama, “Genesis is a good guy. Alam kong hindi niya ako sasaktan.”

“Oo nga, Germoso. Hayaan mo na ang mga bata.” sabat naman ng kanilang ina at dala ang pagkaing inihanda, “Ganiyan ka din naman noon, hindi ba? Genesis, kumain ka muna.”

“Pero, Donaira, baka saktan niya ang nag-iisang prinsesa ko.” ang sagot naman ng ama nito kaya naman natawa na lang ang ina pati na din ang dalaga, “Bakit kayo tumatawa, ha? May nakakatawa ba?”

“Ang OA mo na masyado, Dad.” sabi sa kaniya ng anak niya at niyakap siya, “Promise, Dad, I'll be okay. Kilala ko si Genesis. He'll never hurt me.”

“May magagawa pa ba ako?” sabi ng ama kaya naman tumingin ito sa binatang nakaupo sa sofa, “Papayag ako. Pero oras na saktan mo ang anak ko, lumayo-layo ka na at baka mabasag ko 'yang pagmumukha mo.”

Napangiti ang binata sa sinabi ng ama ng dalaga. Tumayo ito't niyakap ito. Nagulat man ang ama ng dalaga ay napangiti na lamang ito't niyakap ang binata pabalik.

💐

“Pagpasensyahan mo na si Papa kung gano'n siya, ah.” sabi ni Sachiko sa kaniya habang naglalakad sila palabas ng tahanan ng dalaga, “Gano'n lang 'yon pero mabait 'yon. Strikto lang siya kasi alam mo na, nag-iisa niya akong anak, eh.”

“Naiintindihan ko naman ang Papa mo. He only cares for his princess.” sabi naman ni Genesis sa kaniya at tumawa ng mahina, “Pumasok ka na. Madilim na sa labas.”

“Sige, umuwi ka kaagad, ah?” sabi ng dalaga sa kaniya at tumalikod.

“Teka, Sachiko.” tawag sa kaniya ng binata kaya naman agad siyang lumingon dito, “S-Sa Linggo, p-p'wede ka ba? Labas tayo.”

“Sige ba,” sagot ng dalaga at ngumiti, “Basta ba libre mo, eh. P'wedeng-p'wede.”

Napangiti ang binata. Dahil sa sayang nararamdaman ay tumakbo ito sa kalye at sumigaw. Napailing ang dalaga sa inasta ng binata at tumawa.

Papasok na sana siya nang bumalik muli ang binata.

“Bakit na naman, Genesis?” natatawang tanong ng dalaga, “Miss mo kaagad ako? Magkikita naman tayo sa school bukas, ah.”

“May nakaligtaan lang ako.” ang sagot ng binata at lumapit sa dalaga.

“Ano naman 'yon? Teka, titi--”

Napatigil ang dalaga nang yakapin siya bigla ng binata at hinalikan sa noo. Ilang saglit pa'y inalis ng binata ang halik.

”Diyan na lang muna. Nasobrahan lang ako sa tuwa nung junior's night kaya kita nahalikan sa labi.” sabi ng binata at naglakad na palayo, “Good night, Sachiko.”

I Am Your WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon