💐
CHAPTER THREENANG MAGISING ako ay umaga na. Lunes ngayon at kailangan kong pumasok. Tinignan ko ang tulog mong mukha. Napangiti ako. Niyakap kita at hinalikan sa noo.
“Good morning, Sach.” sabi ko sa tulog mong mukha, “Wake up. You need to drink your meds na.”
Idinilat mo ang mata mo kaya napangiti ako. Hinalikan kita sa noo at nasilayan ko na ang ngiti sa mga labi mo.
“Kumilos ka na, may pasok ka pa.” ang sabi mo, “I'm fine here. Matutulog lang ako. Magpapahinga. Manonood ng kung ano-ano so no need to worry. Pumasok ka.”
“'Wag kang manonood ng bold, okay?” sabi ko, “Ako lang dapat ang bold sa harap mo.”
“Loko ka talaga, kumilos ka na nga lang para sa pagpasok mo.” sabi mo sa akin, “Matutulog lang ako dito. Hindi ako kikilos. Ilagay mo nalang ang meds ko diyan sa side table, pati ang pitsel ng tubig, pati kung anong oras ko iinumin. Pati mga biscuits at chips, pakilagay nalang.”
“Hindi ka kakain ng kanin? Masamang hindi kumain ng kain. Magluluto ako bago umalis.” sabi ko, “Kainin mo 'yon, klaro?”
“Opo, boss.” sabi mo at tumawa tsaka mo ako hinalikan, “Kumilos ka na, male-late ka na.”
“Opo, boss.” sagot ko at nagtawanan tayo.
💐
Pagdating sa opisina ay maraming papeles ang nakalagay. Madami din akong pinirmahan na mga papel, activities, at kung kailan ilalabas ang rice wine na gagawin namin katulong ng Hermos' Rice Industry.
Bumalik ako sa opisina ko. Umupo ako't napasapo sa ulo ko kaya naman tinawag ko ang secretary ko at nagpabili ako ng gamot para sa sakit ng ulo. Ilang saglit pa'y dumating si Hermos.
“'Eto na.” sabi ni Hermos at may inilapag sa table ko, “Ako na ang nag-dala dito. Lunch break na ng secretary mo.”
Kinuha ko iyon at ininom. Kumuha ako ng tubig sa dispenser at uminom. Ipinikit ko ang mata ko bago tumingin kay Hermos.
“Bakit nandito ka na naman?” tanong ko sa kaniya, “May kailangan ka na naman ba? 'Wag muna ngayon, masakit ang ulo ko.”
“Yayayain kita.” sabi niya sa akin, “Nakakahiya naman. Nakaligtaan mo kasi na birthday ng pamangkin mo ngayon, 'di ba? Kaya ako na magyayaya sa 'yo.”
“Oo nga pala.” sabi ko at tumayo, “Bibili lang ako ng regalo para kay Armos.”
“No need, Genesis.” sabi niya sa akin at pinigilan ako sa pagtayo, “Malapit na ang convention. Anong balak ng kumpanya mo? Balak namin na doon ilabas ang magiging bagong product na kakanin namin.”
“Ayaw naman kita maging kakompitensya at rice wine ang bago naming ilalabas.” sabi ko at tumawa kaya natawa din si Hermos, “Maybe we'll just party all night there. Alam mo na. Time to rest, have some fun.”
“Kamusta na si Sachiko?” tanong niya sa akin, “Nabalitaan ko na may sakit siya. Sa Sabado, baka bumisita kami sa inyo. Kaya 'wag kayong maglalabing-labing sa Sabado, ha? Bibisita kami.”
“'Ayon, hindi pa din nakakakilos pero umaayos na ang pakiramdam niya.” sagot ko, “At ano naman ang gagawin niyo sa bahay namin at pupunta kayo doon sa Sabado, ha?”
![](https://img.wattpad.com/cover/219332570-288-k104371.jpg)
BINABASA MO ANG
I Am Your Wife
أدب المراهقينAs we became married, we will turn a new page of our lives. And we'll spend each others lives on each others arms.