Chapter Seven

2 0 0
                                    

💐
CHAPTER SEVEN

|THIRD|

“UMAMIN KA NA KASI, GENESIS!” panlolokong sigaw ni Hermos sa kaibigan at ginulo ang buhok nito, “Kunwari ka pa, my friend, eh. Ayaw pa aminin.”

“Eh, sa hindi ko naman talaga gusto si Sachiko.” sagot ni Genesis at bumuntong hininga, “Anim na taon mo na akong kinukulit tungkol diyan, Hermos. Simula nung makilala natin sila nung six years old tayo ay kinukulit mo na ako diyan. Ikaw ata ang may gusto do'n, eh.”

“Nope, iba ang gusto ko 'no.” sagot naman ni Hermos sa kaniya at ngumiti bago kiniliti si Genesis sa bewang, “'Di mo talaga siya gusto? Sure ka na sa sagot mo na 'yan, ha?”

“Oo nga, 'wag mo na akong kilitiin!” sigaw ni Genesis habang natatawa dahil sa pangkikiliti ng kaibigan. Dahil doon ay tumawa si Genesis ng malakas. Tumakbo si Hermos sa malawak na field ng school nila. Hinabol ito ni Genesis upang makaganti siya sa kaibigan.

💐

“NEXT week ay ang junior's night niyo.” anunsyo ng adviser nila, “At bilang bigay ng thrill sa mangyayaring junior's night niyo, ang ginawa namin ay bunutan ng magiging partner niyo. Don't worry, ang bunutan ay mula sa tatlong section. Meaning, either ang makapartner niyo ay mula sa section niyo, sa section 3 or sa section 1.”

Napatango na lang ang iba at walang angal sa sinabi ng adviser nila. Napangiti naman ang guro dahil alam niyang nagustuhan ito ng mga estudyante niya.

Isa-isa niyang binanggit ang mga magkakapares. Kasama na din kung sinong adviser ang nakabunot.

“Genesis.” tawag sa kaniya ng adviser, “Si Sir Patrick ang nakabunot ng pangalan mo at ang magiging partner mo ay mula sa section niya, section 1. Iyon ay si...”

Nag-intay si Genesis sa babanggitin na pangalan ng guro habang si Hermos naman sa tabi nito ay nang-aasar.

“Section 1 daw, baka si Sachiko 'yan.” pang-aasar ng kaibigan. Pasimple naman niya itong kinurot ngunit tumawa lamang ito sa kaniya.

“Takahashi.” sabi ng guro, “Sachiko Takahashi.”

“Ang swerte naman ni Genesis, 'yung campus crush ang ka-partner!” sigaw ng isa sa mga lalaking classmate niya.

“Girlfriend niya 'yun, ano ka ba.” sagot naman ng kaklase niyang babae dito dahilan para manlaki ang mata niya habang si Hermos naman ay napatawa.

“'Di ko girlfriend ang tabang 'yun, 'no!” sigaw bigla ni Genesis. Dahil doon ay inasar siya ng mga kaklase niya. Namula naman ang tenga nito dahil sa hiya.

Natawa naman ang kanilang adviser dahil sa pang-aasar nila sa binata. Pinaupo na niya ito dahil nakikita niyang nahihiya na ito.

“Hermos.” tawag naman ng kanilang adviser sa kaibigan nito, “Mula sa Section 1 din ang makakapartner mo. Ako ang nakabunot at ang partner mo ay si...”

“Sana si Andrea.” bulong ni Genesis dito at inasar. Nakita naman niyang kukurutin sana siya nito nang paluin niya ng mahina ang kamay nito kaya natawa namn siya.

“Chua. Andrea Chua.”

“'Ayan 'yung totoong mag-boyfriend at girlfriend!” biglang sigaw sa room ng kaibigan nito at tumawa dahilan para manlaki din ang mata ni Hermos.

I Am Your WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon