Chapter 7:
*KKKRRRRRRRRRRRRRRRRRNG!*
YEY! Lunchbreak na! Tamang tama gutom2 na ako. Excited pa naman akong kainin tong baon ko na niluto ni Clarence para sa akin. Ang sarap kaya magluto ni Clarence siguro sa tingin ko pag gumraduate siya ng high school tiyak ang pagiging chief yung kukunin niyang kurso.
“Hey. Alex? Sabay na tayong kumain ng lunch?” paanyaya ni Angel sa akin.
“ Sure!” hindi ko na tinanggihan yung alok ni Angel sa akin, gutom na gutom na talaga ako e.
“Ah, guys itetext kolang muna si Chloe na sabay na tayong kumain ng lunch.” Sabi naman ni Iris, kahit kailan talaga laging si Chloe yung laman ng bibig niya. Iwan ko ba pero parang may something sa kanya na hindi pa alam ni Chloe.
“Oh, sige sabihin mo nalang sa kanya na sa canteen nalang tayo magkikita.” Sabi naman ni Rishiel. Alam niyo ang napansin ko kay Rishiel minsan lang talaga siya nagsasalita.
“OK.” Sabi naman nitong si Iris.
“Sige guys punta na tayo nang canteen tapos magorder na rin tayo ng lunch.” Sabi ni Angel.
Nandito na kami ngayon sa canteen, gravih ang daming tao. Saan kaya kami makakahanap ng pwesto?
“ Hey. Guys? Nakakita na ako ng vacant chairs at vacant table dun oh.” sabi ni Angel ng Makita niya yung vacant chairs at vacant table.
“ Oy, wag tayo diyan angel? Kita mo naman oh? wala nga diyang umupo kasi nasa katabing table lang yung mga campus hearthrobs. Wag tayo diyan baka tayo yung pagdiskitahan nina Kevin.” Ayaw na sabi ni Iris.
“ Hahaha! Wag kang matakot Iris,nandito naman si Alex e. Alam kong kapag pinagdiskitahan nila tayo ipagtatanggol tayo ni Alex. So you don’t have to be afraid of. Di ba Alex?” whaaaaaa! Ako talaga yung ginawang panangga ng lukarit nato kung sakaling pagdiskitahan sila ng mga campus hearthrobs.
“Uhmm. Yeah.” Ito lang yung na sabi ko.
Tumungo na kami sa direksyon kong nasan yung vacant chais ang table. Nang marating na namin yun eksakto naman yung pagdating ni Chloe. Tapos umupo na kami dun ng hindi nahahalata ng mga campus heartthrob.
“ Guys. Tara? Order na tayo?” sabi kaagad ni Chloe ng Makita niya na kaming nakaupo.
“Ah. Guys? Kayo nalang? May baon kasi ako eh? hehe. ^_^” yun yung tanggi ko sa kanila, eh totoo naman e may baon talaga ako at excited na nga akong kumain.
“ Oh, sige? Order lng muna kami ha? pakibantay na lang ng pwesto natin baka may umupo e.” Sabi ni Iris.
“ Sige!” sabi ko sa kanya tapos tumalikod na sila at nag order na.
Habang naghihintay ako sa kanila inilabas ko muna yung baon ko mula sa loob ng bag ko. Haiissst, ang tagal naman nila? Naglalaway na nga ako dito sa baon ko eh, gutom na gutomna talaga ako. Wala naman sigurong masama kung mauna na muna akong kumain.
Binuksan ko na yung baon ko. Wow! Ang bango! Ang sarap sa paningin. Makasubo na nga! Say ahhh. Pasubo na sana ako kaso may biglang nagsalita sa likuran ko.
“EEWWW? Tingnan mo nga siya? Nakakadiri naman yang kinakain niya. Alam niya na nga meron ditong canteen para maka bili siya ng pagkain tapos nagbaon pa siya. Yuck!”
“Hahaha siguro wala siyang pera pambili ng pagkain dito sa canteen? Kasi poor naman siya talaga eh. Kawawa naman walang pera.”
Ano bang mga pinagsasabi ng mga monggoloid na to? Ako walang pera? Asa sila! ako kaya ang anak nag iisang anak na babae ng mga WILLSON. Bakit? Hindi ba pwedeng magbaon ng pagkain? Nakalagay basa rules and regulations ng school na hindi pwedeng magdala ng baon? Talagang mga tipaklong nato oh? walang ginawa kundi pagusapan ako. Arrrrg! Nakakainis makasubo na nga. Ahhh. Papasubo na sana ako kaso biglang may umakbay sa akin tapos umupo sa tabi ko. Ano ba to? Nakakainis na ha? Gusto ko na talagang kumain eh. Bakit ayaw niyo akong pakainin! Aaaahh. Nakakainis!
BINABASA MO ANG
"A Secret Identity of a Hidden Princess."
Ficção AdolescenteSi Alex. Si Alex ang anak ng isa sa mga pinakamayamang pamilya na nagmamayari ng isa sa mga sikat na paaralan sa buong asia na tinatawag na WILLSON ACADEMY. Pero imbis na mag aral dito ay pinili nyang mag aral na lang sa isang luma at pipityuging pa...