chapter 9

10.7K 167 1
                                    

Chapter 9:

KEIN’S POV ( JOHN KEIN SUNG)

“ Nandito nah u ako.” Sabi ko kaagad ng makarating na ako sa bahay.

“Oh, apo? Andyan ka na pala. Aba’y magbihis ka na.” Sabi kaagad ni lola sa akin ng makarating ako sa bahay.

“ Opo la.” Yun lang yung sabi ko sa kanya tapos pumasok na ako sa kwarto.

Matagal ng namatay yung mga magulang ko mg apat na taon na. Namatay sila sa isang car accident. Ang huling beses na nakita ko sila ay ang araw kung saan isinugod nila ako sa ospital ng atakihin ako ng sakit ko. Mahirap lang kami noon kaya wala kaming sasakyan, sumakay lang daw sila noon ng jeep papuntang ospital para dalawin ako. Kaso hindi na nakaabot ng buhay yung mga magulang ko papuntang ospital. Nagkabungguan yung sinasakyan nilang pampasaherong at isang sasakyang Honda. Hindi nakulong yung bumangga sa pampasaherong jeep na sinasakyan ng mga magulang ko dahil ang nakabangga ay isang menor de edad. Kaya nga ng malaman ko yun sobrang galit na galit ako. Gusto kong sugurin yung taong pumatay sa mga magulang ko kaso hindi ko maggawa dahil na ka confine ako. Pero dumating yung araw na may tumulong sa akin si Tito Alfred.  Naoperahan yung tumor ko sa utak at gumaling ako. Ginawa niya akong isang talent sumikat ako. Kaya ng sumikat ako ginawa ko ang lahat para makaganti sa taong pumatay sa mga magulang ko. Lumipat ako sa Willson Academy, dahil sa pagkakaalam ko doon nag aaral yung lalaking pumatay sa mga magulang ko. Gumawa ako nang paraan, hanggang sa may inutusan akong isang kabarda ng lalaking pumatay sa mga magulang ko. Inutusan ko siyang patayin  yung lalaking pumatay sa mga magulang ko. Pero isang araw nalaman ko nalang na ibang tao yung napatay ng inutusan ko. Sasaksakin  na sana ng lalaking inutusan ko yung lalaking pumatay sa mga magulang ko kaso may pumagitna sa kanilang dalawa. At accidenteng nasaksak yung lalaki na ang pangalan ay Jazz na sa pagkakaalam ko anak siya ng may ari ng Willson Academy . Hindi nakulong yung inutusan kong lalaki dahil ipinalabas sa autoridad na accidente ang lahat ng nangyari

Pagkapasok ko sa kwarto, agad kong hinubad yung mga damit ko tapos dumirecho sa banyo at nagshower. Habang nagshoshower ako. Naiisip ko si Zandra.

“Zandra... ikaw yung babaeng gusto ko.."

(A/n: if you want to see kein na sa right side lang po yung mga pics niya.) ---------------------------------->>>>>.

------

ZANDER’S POV

“Ah! Ano bay yan? Bakit hindi ako makatulog? Nakakainis naman kasi si bellfrog e. Bakit ba kasi siya sa isip ko? Ayan tuloy hindi ako makatulog! Aaaaarrrg!” sabi ko habang nakahiga na sa kama ko.

“HIJO? Bakit ka sumisigaw? May problema ba? Pwedeng pumasok?” narinig kong sabi ni mama habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko ng mapansin niyang nagsisisigaw ako

“ Ah, opo! Bukas po yan, pwede kang pumasok.” Binuksan niya ang pinto tapos lumapit siya sa akn.

“Anak? May problema ka ba? Bakit gabing-gabi na nagsisisigaw kapa?” nag aalalang tanong ni mama sa akin.

“Eh, kasi ma, hindi ako makatulog eh.” sagot ko naman kay mama.

“Alex, Hijo? May iniisip ka ba? Babae nu?” ha? pano niya nalaman ang galing talaga ni mama manghula.

"A Secret Identity of a Hidden Princess."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon