Chapter 27

7.1K 103 3
                                    

Chapter 27:

ZANDER'S POV

“Sabi ko! OO! BUNGOL!” Biglang lumaki yung mga mata ko tapos bigla akong tumakbo palayo. Hindi ko alam kong bakit. Pero bigla muling akong lumapit sa kanya at sinabing…

“Hintayin mo ako dito. Pangako babalik ako.”Pagkatapos nun ay bigla na akong tumakbo palayo sa kanya. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makalapit na ako ng kotse ko kaso bigla akong inatake ng sakit ko. Pero mabuti nlang may dala akong baong gamot sa kotse. Kinuha ko iyon at ininom. Pagkatapos kong inumin iyon ay pinaharurut ko na yung sasakyan palabas ng gate kahit hindi pa tapos ang class hours.

Wala akong pakialam kong hindi pa tapos yung class hours. Ang importante makalabas ako dito at maibigay ko sa kanya yung gusto kong ibigay.

Walang naggawa yung mga guards. Hindi nila ako mapigilan. Kaya ito I was successfully out of the school. Sa wakas nakalabas din ako.  Habang nag dadrive ako sa daan ay bigla akong may na daanang flowershop kaya napagisipan kong ihinto muna ang sasakyan at pumasok dun sa loob. Nang makapasok na ako dun ay agad na akong naghanap ng isang magandang boquet of flowers. Ang plano ko ay bibigyan ko siya mismo ng bulaklak. At yayayain ko siyang maglunch. Kaya ito magpapahanda na ako ng lunch at ang plano ko dun mismo sa rooftop kami kakain. Ipapahanda ko na yung mga pagkain, tables at everything. I want this day to become an unforgettable event in my life. Habang nandidito pa ako ayokong sayangin ang oras ko para lang sa mga walang kwentang bagay. Ang gusto ko, kahit isang hininga na lang ang meron ako ay atleast makasama ko man lang ang babaeng pinakamamahal ko sa mga oras na buhay pa ako.

All was settled. All was perfect. Kaya ng matapos ko nang ipaprepare ang lahat ay napagdesisyonan ko ng balikan si Zandra. Nang makabalik na ako sa lugar kung saan ko siya iniwan ay nakita ko siyang naiinip na sa kahihintay sa akin. Sa sobrang inip ay napagdesisyonan niya ng umalis. Narinig ko pa nga yungsbi niya e.

“Ang mokong na yun? Nakakainis? Iniwan ba naman ako dito? Makaalis na nga. Bahala siya.” Paalis na sana siya kaso tinawag ko siya at bigla naman siyang lumingon. At bigla siyang nagulat ng makita akong may hawak-hawak na isang magandang boquet of flowers.

“Oy? Bakit ka aalis?Diba sabi ko sayo dito ka lang?” takang tanong ko tapos lumapit ako sa kanya.

"Akala ko kasi di kana darating. Balak ko pa sanang bumalik na dun sa room." Paliwanag niya.

"Haha, ako? Hindi darating? Ano kaba? Eh ano ngayon ang tingin mo dito? Magpapakahirap ba akong bilhin to? Kung iiwan lang kita dito? " lumaki yung mga mata niya ng makita niyang iaabot ko sa kanya yung mga flowers.

"Ha? Para saan yan?" Ang hard naman ng babaeng to.

"Haaaay. Siyempre para sayo yan. Duh? Wag kana ngang magkunwari dyan? Alam kong kinikilig kana kay kunin mo na tong flowers." Mukhang naiinis siya sa sinabi ko kaya hindi niya inabot yung flowers.

"Sige, no thankx nalang." Ha? Kainis naman e.

"Ayaw mo? Sige itatapon ko nalang to. Sayang naman. Ang mahal pa naman ng bili ko dito tapos tatanggihan mo rin lang Pala." Aakma ko na san itong itatapon kaso bigla niya akong pinigilan.

"A Secret Identity of a Hidden Princess."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon