Chapter 10
ZANDRA’S POV
Yes! Wala na yung asungot! Mabuti nga sa kanya! Hahaha.
“Ok, class. Ngayong araw nato magsisimula ang club/organization month. Kaya class ngayong araw nato, your free to choose kung anong club ang mas babagay sa talent niyo. Sige class ididismiss ko na kayo ngayon. Bye class.!”
Ano? Club? Talent? Eh sa taekwando lang naman ako nababagay e, ewan ko ba kong may taekwando club din dito.
“Hey, Alex? May naiisipan ka na bang club na sasalihan? Kung wala pa? Eh sa dance club kana lang, para magkasama tayo?” sabi ni Iris sa akin.
“Oy? Wag sa dance club, mapapagod ka lang dun. Sa book club ka nalang sumali, hinding-hindi ka pa mapapagod.”
“Hahaha, sorry Iris at Rishiel. Pero hindi yan ang type ko e. Sorry talaga.”
“Eh, kung hindi dance at pagbabasa ang gusto mo, eh ano? Music?” sabi ni Rishiel.
“Hahaha, hindi ko rin type yung pagkanta, siguro si angel pwede pa pero ako? Never!”
“Eh? san ang gusto mo?” tanong naman ni Angel.
“Eh, san pa? Edi sa bugbugan.”
O_O---->> si Iris
O_O---->> si Angel
O_O---->> si Rishiel
^ῳ^------>> ako
“ANO? SA TAEKWANDO?” sabay2 na tanong nila sa akin.
“OH, YEAH!” sagot ko naman sa kanila
“Naku? Sa taekwando? Eh marami namang iba diyan eh.”
“ Eh, gusto ko kasi ng bugbugan kaya sa taekwando ako. Please gurls wag niyo na akong pigilan? Please?” naka puppy eyes kong sabi sa kanila kaya napapayag ko naman sila.
Naglalakad ako ngayon sa hallway kasama ko tong tatlong to. Hinahanap namin yung mga room ng clubs namin. Habang naghahanap kami ng rooms nakita naman namin si Chloe na may hawak na digital camera at nakapila sa labas ng room ng media club.
“Hey? Chloe? Sa media ka sasali?” tanong ni Angel sa kanya.
“Haha, oo. Mahilig kasi akong kumuha ng litrato e. Say cheese guys?” sabi niya sabay kuha ng litrato sa amin.
“Ah, sige Chloe mauna na kami sayo ha? hahanapin pa kasi namin yung room ng mga clubs namin.” Sabi naman ni Angel kay Chloe.
“Sige bye!” pagpapaalam naman ni Chloe sa amin.
“bye!” sabay kaming nagpaalam na sa kanya.
Lumakad na kami para hanapin yung mga rooms ng club namin. Hanggang sa nahanap na ng tatlo yung mga rooms ng club nila at ako nalang yung natitirang naghahanap pa rin kaya napagisipan kong magtanong-tanong kung sino yung nakakaalam kung saan yung room ng taekwando club.
“Ah, sige thank you.” Tinuro na sa akin ng pinagtanongan ko yung room kaya pinutahan ko na ito kaagad at hindi nga siya nagkakamali tama yung tinuro niya direksyon.
Nang mahanap ko na yung room nakita ko namang may mga ilan-ilang pumipila para mag pa member. Tamang-tama hindi ako maiinip sa pagpila kasi kunti lang naman kaming pumipila e. Nakita kong isa-isa nang pumapasok yung mga nakapila sa unahan tapos hindi nagtagal isa-isa rin silang lumabas. Bakit kaya sila pinalabas kaagad? May interview ba? Siguro hindi sila nakapasa kaya pinalabas na sila kaagad. Nang ako nalang yung natira e pumasok na kaagad ako sa room. Pero nagulat ako ng Makita ko kung sino yung nakaupo at nagiinterview ng mga nagpapamember.
![](https://img.wattpad.com/cover/2400833-288-k524601.jpg)
BINABASA MO ANG
"A Secret Identity of a Hidden Princess."
Genç KurguSi Alex. Si Alex ang anak ng isa sa mga pinakamayamang pamilya na nagmamayari ng isa sa mga sikat na paaralan sa buong asia na tinatawag na WILLSON ACADEMY. Pero imbis na mag aral dito ay pinili nyang mag aral na lang sa isang luma at pipityuging pa...