chapter 8

10.7K 194 2
                                    

Chapter 8:

ZANDER’S POV ( ALEXZANDER PETTYFER)

“Ok class. Dismiss.”

Hay, salamat tapos na yung nakakabagot na klase. Makapag ligpit na nga ng mga gamet ko at aalis na. Aw, ive forgot my meeting pala kami ngayon sa taekwando club kailangan ko ng magmadali.

“Hey, bro? Uuwi kana? Ang aga pa e.” Tanong ni Kein sa akin habang inaayos ko yung laman ng bag ko.

“Hahaha, umuwi ka na beastboy para wala ng asungot na mangaasar.” Dugtong na sabi naman nitong si bellfrog na nag aayos din ng gamet niya.

Ah, ganun?gusto niyan akong pauwiin para walang asungot na mangaasar sa sa kanya? Pwes, akong hinahamon niya ha?

“Ah, bro. Sabay na tayong umuwi mamaya? May dadaanan lang kasi ako ngayong importante  pero sasabay ako sayo pauwi.”

“ Oh, sure. Sa bench na lang kami maghihintay ni Zandra kasi may pag uusapan lang kaming importante.” Sabi ni Kein sa akin habang nakangiting nakatingin kay bellfrog.

Sila? may paguusapan? Ano naman kaya yun?nakakainis dapat bilisan ko yung pagpunta ko sa taekwando club. Hindi na lang ako mag aattend ng meeting magpapacheck na lang ako ng attendance ko.

“What? Sasama ako sa inyo? Oy wag na. Kaya ko nang umuwi. Hindi na ako sasbay sa inyo.” Oh? gravih talagang babaeng to. Sa lahat ng mga babaeng kilala ko siya lang yung babaeng ayaw sumabay sa amin pauwi.

“ Hahaha. Kakaiba ka rin bellfrog nu? Bakit ayaw mo sumabay? Siguro nahihiya ka sa akin kasi crush mo ako nu? Umamin kana kasi?” hahaha, ang sarap niyang asarin tapos ng marinig niya yung sinabi ko, agad namang nagiba yung expression ng mukha niya.

“HOY! Asong Palakang Beast ka! Ang kapal talaga ng mukha mo para sabihing may gusto ako sayo! Asa kappa! In your dreams!” Napakataray talaga ng babae to.

“Hey. Tama na nga yung away? Napapansin ko, lagi na kayong nag aaway. Pwede ba? Wag na kayong mag away? Para kayong aso’t pusa.”

“Eh, kasi naman siya e.” Aba ako pa tong tinuro ng bellfrog nato? Ako pang may kasalanan?

“ Uhm, Zandra? Pwede ka bang sumabay sa amin mamaya? Promise ihahatid ka namin? Sige na? Kahit ngayon lang?” Gravih talaga si Kein oh? Nag mamakaawa para sumabay sa amin itong bellforg nato.

“Eh, kasi..” naputol yung pagsasalita niya ng magsalita ulit si Kein.

“Please?” aba? Talagang ng puppy eyes pa siya sa bellforg nato ha? Ewwww? Kaderder naman.

“Ok,fine. Magpapahatid ako pero hanggang kanto lang ha?”

“Sure.” Masayang sabi ni Kein sa kay bellfrog.

“Ah, Kein? Aalis muna ako ha? Magpapacheck lang ako ng attendance, pero babalik din ako.”

“Ok, hintayin ka dito namin sa bench.” Sabi niya habang lumalakad na ako paalis tapos biglang nagsalita si bellfrog.

“Ok lang kahit hindi kana bumalik. Hahaha! Bye!”  ako? Hindi babalik? Asa siya! Hindi pa ako tapos para asarin siya. Humanda siya sa akin mamaya.

End of Zander’s Pov

--------

ZANDRA’S POV ( ALEXZANDRA NIKOLE WILLSON)

(A/N: Paalala lang po. Ang tunay na surname ni Alex ay Willson at hindi Dela Cruz.)

Hay, sa wakas na wala na sa paningin ko yung beastboy na yun. Tahimik na yung kapaligiran wala nang mang aasar.Nandito kami ngayon sa bench, habang nag uusap kasi kami kanina nina beastboy ay lumalakad na kami papuntang bench.

"A Secret Identity of a Hidden Princess."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon