Chapter 28:
ZANDRA’S POV
Saturday ngayon, nandito ako sa bahay. Hindi ko alam kong ano yung susuotin ko para sa date naming dalawa ni Zander mamayang gabi.
“AAAAAHHHHHH! Ano ba ang susuotin ko? Ang gulo naman!” Pasigaw kong sabi habang namimili ako ng damet sa closet ko.
*TOK! TOK! TOK!*
“Nikole? Ok ka lang ba? Anong nangyayari sayo? Pwedeng pumasok?” Nagaalalang tanong ni Clarence habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.
“Bukas yan pumasok ka.” Sagot ko naman sa kanya.
“Oh? Ano to? Bakit ang gulo ng kwarto mo?” Gulat nyang sabi ng mapansing magulo ang loob ng kwarto ko.
“Ehh, kasi..” Naputol kong sabi ng magsalita siyang muli.
“Siguro? May date ka nuh? Kanino? Kay Zander? Ayeeeee?” Pang aasar nyang sabi.
“Hoy? Clarence? Nandito ka ba para asarin ako?Kung yan lang yung dahilan ng pagpunta mo dito sa bahay ko pwes umalis kana. Chuu! Alis!” Nakakainis.
“Ikaw naman? Hindi ka naman mabiro e.”
“CHE! Alis!” Pagtataboy ko sa kanya.
“Haixt, ano bang problema mo? Baka makatulong ako?” siya? Makatulong?
“Ikaw? Tutulong? Imposible.”
“Naman e. Sige na sabihin mo na kung anong problema mo. Tutulungan kita.” Ang kulit naman e.
“AAARRRGGGHH! Ok Fine! Ito yung problema ko oh? Hindi ko alam kong anong susuotin ko mamaya para sa date namin ni Zander. So? Anong maitutulong mo?”
“Hahaha. Sabi ko na nga ba eh? Kunwari ka pa. E mag dedate lang naman pala kayo e.” tawa niyang sabi.
“So? Pagtatawanan mo lang ba ako dito? Kung pagtatawan mo lang ako dito. Pwes lumabas kana!” Inis na inis kong sabi sa kanya.
“Haist. Ikaw talaga? Ang bilis mong magalit. Sige na oo na ito na. Halika dito. Bilis.” Sabi niya tapos hinila ako papalabas ng bahay at pinasok sa loob ng kanyang kotse at sinimulang paandarin ito.
Hindi ko alam kong saan niya ako dadalhin pero parang famillar sa akin ang daan papunta sa lugar na pupuntahan namin. Tumigil yung sasakyan sa isang tapat ng Watt Salon. Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
“Here we are! Oh? Diba? Mas ok dito?” Pinagsasabi nito?
“Anong mas ok? Anong kinalaman ng Salon nato sa mga damit ko? Ikaw talaga Clarence? Napaka bopols mo.” Kainis.
“Haixt? Hindi mo ba nakuha? Siyempre magpaganda ka muna. Ano ka ba. Mamaya na yang damit.” Parang tae naman to.
“Ah.. Ok” matipid kong sabi.
Pumasok a kami sa loob ng Salon. At dun ay mas pinaganda nila ako. Nilagyan ng kunting kulay yung buhok ko na color brown. Tapos pinacurl pa ito. Oh diba? Mas gumanda pa ako?
“Oh? Ang ganda mo na sis!” baklang sabi ni Clarence.
“Hoy? Clarence? Magtigil ka nga diyan? Humanda ka sa akin pag bumakla ka. Papatayin talaga kita!”
“Sus? Di naman mabiro e. sige na halika na. bumili na tayo ng damit mo.”
Ang next stop ay ay dun sa Watt Dress Store. Namili kami dun ng mga damit na bagay sa akin..
“Sis? Ok nab a to? Diba bagay sa akin?” Masapak nga tong mokong na to.
“BOOOOOGSH!”
“Ouch? Ang sakit!” Reklamo niya.
“Wow? Maka Ouch ka diyan ha? Wagas ha?” Pangaasar ko sa kanya.
“Bakit mo ba ako sinapak?” Takang tanong niya sa akin.
“Kasi ikaw? Nakakainis ka! Wag ka ngang umaktong bakla dyan! Nakakasuka!” Pasigaw kong sabi sa kanya.
“Geez.” Response nya.
“Ok na ba to?” tanong ko sa kanya.
“Perfect. Yun lang yung sabi niya.
Nang matapos na kamin mamili ng damit ay umiwi na kami ng bahay. Mag 5pm na kasi. Ang napagusapan naming time ni Zander ay 7pm. Kaya ito. Mas mabuti nang umuwi ako ng maaga. Para hindi ako malate sa date namin mamaya.
BINABASA MO ANG
"A Secret Identity of a Hidden Princess."
أدب المراهقينSi Alex. Si Alex ang anak ng isa sa mga pinakamayamang pamilya na nagmamayari ng isa sa mga sikat na paaralan sa buong asia na tinatawag na WILLSON ACADEMY. Pero imbis na mag aral dito ay pinili nyang mag aral na lang sa isang luma at pipityuging pa...