Final Chapter

13.3K 170 28
                                    

Chapter 35:

“Anak? Wala pa ba yung Kein? Ano ba yung importante niyang sasabihin?” Tanong sa akin ni Mama. Habang naghihintay kaming lahat sa salas ng bahay.

“Ma? Siya na po yung magsasabi. Dadating nay un. Maya-maya. Oh? Andyan na siya oh?” sabi ko ng makita ko nang dumadating yung sasakyan ni Kein.

Dumating na si Kein at pinark niya yung sasakyan niya  sa tapat ng bahay at bumaba na ng kotse. Pinapasok na siya ng dalawang katulong. Pumasok na siya ng bahay at sinalubong ko na siya.

“Kein? Mabuti dumating ka. Sandali ipapakilala lang kita kina mama. “

“Ma, Pa? Si Kein po kaibigan ko.” Pagpapakilala ko sa kanya.

“Magandang Umaga po. Kinagagalak ko pong makilala kayo.” Agad namang sabi ni Kein sa mga magulang ko.

“Magandang Umaga din hijo. Sabi ni Zandra may importanteng sasabihin ka daw sa amin?” tanong ni Papa sa kanya.

“Sir, Nandito po ako kasi gusto ko pong humingi ng tawad inyong lahat.” Sagot naman ni Kein.

“Humihingi ka ng tawad? Bakit? Anong ginawa mo?” Takang tanong naman ni Clarence sa kanya.

“Ako po ang dahilan kong bakit namatay si Jazz. Humihingi po ako ng tawad. Patawarin nyu po ako. Hindi ko po sinasadya ang lahat.” Nakaluhod niyang sabi sa harap ng mga magulang ko.

“Ano? Ibig mong sabihin? May kinalaman ka sa pagkamatay n gaming anak na si Jazz?” gulat na gulat silang lahat ng marinig nila yung sinabi ni Kein.

“Opo. Patawarin niyo po sana ako. Namatayan din po ako. Namatayan ako ng mga magulang. Hindi ko po sinasadya. Despirado lang po ako noon na maghigante sa taong pumatay sa mga magulang ko.”

Kinwento niya lahat ng mga nangyari noon. At tulad ko. Pinatawad din siya ng mga magulang ko. Sa ngayon gumaan na yung loob namin dahil nalaman na namin yung totoo. Hindi na siya pinakulong ng mga magulang ko. Dahil, naaawa sila kay Kein. Iisa nalang kasi yung kasama niya sa buhay. Yung lola niya. Hindi niya kayang iwan yun lalo na’t matanda na yun. Sa ngayon alam kong napatawad na rin ni kuya si Kein.

Ang pinoproblema  ko nalang ngayon ay kung pano ko mahahanap si Zander. Hindi ko alam kung saan siya dinala ng papa niya. Wala naman akong magagawa e. Pero ang alam ko lang meron pang isang paraan kung pano ko mahahanap si Zander. Ang alam ko, ayaw sa akin ng papa ni Zander dahil sa pagkakaalam nitong isa lang akong mahirap. Ito na yung naiisip kong paraan para Makita ko si Zander. Hihintayin kong dumating yung araw ng debut ko. At sa araw na yun. Sisiguraduhin kong imbitado ang  matandang hukluban na yun.

-----------------------

“Hija? Handa ka na ba sa party mo mamaya?” tanong sa akin ni mama na kasalukuyang inaayos yung buhok ko.

“Haha, medyo kinakabahan po ako. Pero ayus naman po. Readyng ready nap o ako. Excited na po akong ipakilala sa lahat na anak nyu po ako.” Haha, humand ka mamaya matandang hukluban ka.

"A Secret Identity of a Hidden Princess."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon