A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!
===========
Akala ko ba tutupad siya sa usapan? He signed it! He signed the conditions and the agreement I made! But what I am doing here in a big house?
"Jaze, we already talked about this! You agreed! You signed the agreement that I made! Gusto mo bang ipakita ko pa sa'yo ang pinermahan mo?" Hindi ko na napigilan ang sumabog.
No! We won't live in one roof. I won't live with him. I don't want to!
Pero hindi niya ako pinansin. Kinausap lang niya ang sumalubong na lalaki kanina at inutosang ibaba ang mga gamit ko.
No. No!
"Don't touch my thing! That's mine." Agad na napabitaw ang babaeng nakaunipormeng pangkatulong na pinag-abotan nang kausap ni Jaze.
"Pero ma'am, dadalhin lang po namin sa kwarto niyo." Anito
"No. No need. I won't live here anyway." Sagot ko na mukhang ikinagulat pa niya.
Hinarap ko naman si Jaze para kausapin pero nilagpasan niya lang ako at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng bahay.
"Jaze," tawag ko pero patuloy lang siya sa paglalakad patungo sa mga nakahilerang katulong.
"Jaze," ulit ko pero hindi niya parin ako pinansin.
Lalapitan ko siya pero napahinto rin ng makita ang isang babae at isang lalaki na daladala ang mga gamit ko paakyat sa hagdan. "No!" Sigaw ko na nagpahinto naman sa kanila. "Bring that back here!" Utos ko pero pinagpatuloy pa rin nila dahil sa utos ni Jaze. "Dalhin niyo na 'yan."
"Jaze, akala ko ba-"
"Will you stop whinning?" He said in a deep bariton voice.
"We have an agreement,"
"You don't have to remind me, Diane. I know, I remember!" His voice raised a bit. "You don't have to panic. Gabi na. You'll just stay here for tonight. Wala kang mapupuntahan kaya huwag ka ng magreklamo."
Dahil nagtitipon ang mga katulong ay para silang nanonood ng pelikula sa pag-aaway naming dalawa.
"I can stay in a hotel-"
"Diane, please!" His voice thundered. "Alam kong galit ka sa akin, alam kong kinamumuhian mo ako pero ganon ba talaga katindi iyan na kahit isang gabi lang ayaw mo akong makasama sa iisang bubong?" I was caught off guard. "Don't worry, you'll have your own room."
Nabigla ako sa mga sinabi niya kaya hindi ako makapagsalita. Dagdagan pa ng mukha niyang galit at mata niyang puno ng halohalong emosyon.
Na-guilty ako bigla.
Gusto kong mag-sorry pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Gusto ko siyang lapitan para pakalmahin pero hindi ako makagalaw.
Pinasadahan niya ng daliri ang buhok at inihilamos iyon sa mukha ng ilang segundo bago muling nagsalita.
"Isang gabi lang," his voice was pleading, his eyes was somewhat begging. I can sense his tired.
Ilang segundo pa kami nagtitigan. Kung hindi lang siya umiwas baka hanggang ngayon ay nagtititigan pa kami.
I don't know but there's something in me that want to consule him.
Oo, galit ako sa kaniya. Pero galit lang ako dahil hindi ko tanggap na may asawa na ako. Hindi ko tanggap na nagmukha akong bagay na ipinagpalit o naging bayad para lang maging malaya si papa.
Hindi ako nagsisisi sa desisyon ko dahil para iyon kay papa. Hindi ko lang talaga matanggap pa muna. Hindi pa talaga pumapasok sa isip ko ang nangyayari sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
His Ignored Love
RomanceJaze Valledor told himself that he won't love again after his ex-girlfriend leave him and rather chose her career. But things changed after his Mother asked him a favor and that is to look after Diane Claire until she turn twenty. What he needs to d...