A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!
===========
Tanging ingay lang ng mga nabasag na mga gamit ang pumaibabaw sa buong condo unit ni Khyle. Rinig na rinig ang pagkalansing ng mga bobog kahit pa nasa loob kami ng kwarto niya. Nagpatawag lang ng taga linis si Khyle dahil hindi namin kayang maglinis. Siya na bugbog sarado at ako na nanghihina dahil sa nangyari.
"Sorry. Sorry. Sorry." Walang kataposang hingi ko ng tawad kay Khyle.
Kahit pa ilang beses na niyang sinabi na, "it's not your fault. Don't say sorry," ay hindi ko pa rin maiwasang mag-sorry.
Mag-iisang oras na kami rito sa loob ng kwaryo niya at hanggang ngayon ay nakaupo lang kaming dalawa at nakatulala. Ako na nakahilig sa head board ng kama niya at siya na nakaupo sa harap ko at namumungay ang matang nakatingin lang sa akin.
"I think it's better if you rest," tumayo siya para sana alalayan ako pahiga sa kama niya pero umupo ako ng maayos sa harap niya.
"No, Khyle. I'm fine. You're the one who needs to rest. Ikaw ang nabugbog sa ating dalawa, hindi ako."
"Bugbog sarado man ang mukha ko, magagamot naman ito pero iyong sayo, hindi nagagamot ng simpleng pagpahid ng betadine o pag-inom ng pain reliver. You're in pain too, babe. Bugbog sarado ka rin kahit hindi mo sabihin."
"Kukuha lang ako ng panggamot," at tumayo na ako ng muling mag-init ang gilid ng mga mata.
I don't want to cry again.
Paglabas ko ng kwarto ay siyang pagsara ng main door. Taga linis ata. Malinis na ang sala, wala ng mga nagkalat na bubog at nakaayos na rin ang mga gamit na natumba at naglaglagan kanina.
Nakuha ko na ang first aid kit pero inilapag ko muna iyon sa sala at tumungo sa kusina. Kinuha ko ang biniling pagkain kanina bago bumalik sa kwarto ni Khyle.
Nadatnan ko siyang nakahilig ng upo sa head board ng kama at nakapit. Kita ko ang minsanang pagngiwi niya dulot ng sugat sa bibig na natamo.
Matamlay akong naglakad palapit sa kaniya at umupo sa kama kaharap niya.
Nanatili siya sa kaniyang posisyon. Nang maramdamang may lumapat na cotton sa mukha niya ay tsaka pa siya napadilat.
"Ang pangit mo na," biro ko. Humalakhak kami pero napangiwi rin siya kalaunan dahil sa pag-inda ng sugat sa labi.
"Paano ka papasok bukas?" Tanong ko dahil sa mga pasa niya.
"Eh di pupunta ng school at papasok sa gate," pamimilosopo niya.
"Tarantado,"
Dinaan nalang namin sa biro ang usapan, gayon pa man ay ramdam pa rin namin ang tensyon kanina sa gulo. Hindi ko alam kung ako lang o pati siya. Medyo naiilang kasi ako sa kaniya, nilalabanan ko lang.
"Do you love him?" He suddenly asked.
"Who?" Tanong ko kahit alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
"Jaze,"
"I don't,"
"Why?"
"Why not?"
"What is your reason?"
"Because I don't love him."
"Then why are you crying?" He held my face and wipe my tears. Hindi ko manlang namalayang naiyak nanaman ako. Napayuko nalang ako sa hiya at hindi umimik. "You're crying because you're hurting, and you're hurting because you love him."

BINABASA MO ANG
His Ignored Love
RomansaJaze Valledor told himself that he won't love again after his ex-girlfriend leave him and rather chose her career. But things changed after his Mother asked him a favor and that is to look after Diane Claire until she turn twenty. What he needs to d...