Ignored 10

39 0 0
                                        

A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!

===========

Ang akala ko ay bubulabogin na ako ni Jaze dahil sa nangyari sa party pero kinabukasan ay wala namang sumulpot na anino niya o kahit anino ng dalawa niyang apprentice. Pero dapat expect ko na ito dahil wala na naman siyang pake sa akin, wala na kaming pakialamanan at mabuti na iyon para manatiling mapayapa ang pamumuhay ko. I have my freedom now kaya wala na siya roon kung magkaroon man akong boyfriend... but that's cheating!

I'm not cheating! Gosh, it was all for show.

Ipinilig ko nalang ang ulo para mawala iyon sa isipan ko. Pagkatapos ng confrontation na nangyari months ago sa condo ni Khyle ay hindi na muli kami nagkita't nag-usap pa ni Jaze. Maliban do'n sa party ni Ariel at pagkatapos no'n ay hindi na naman kami nagkita.

It's been a month now. Sa tingin ko okay na talaga sa kaniya na magkaroon ako ng relasyon sa iba. Kahit ganon gusto ko namang maranansan ang maligawan at magkaroon ng boyfriend kaya sa tingin ko ayos lang.

Kung ganon bakit mo pinatigil si Ian sa panliligaw sayo? Tanong ng maliit na boses sa aking isip.

Kahit gustohin ko man ayaw pa rin ng puso ko na magmahal. Kung maaari ay iniiwasan kong mahulog sa kahit na sino dahil hindi ko na matatakasan pa ang totoo na talagang kasal na kami at hindi ko na mababago iyon. Ayoko man kay Jaze ay hindi pa rin makatarongan na lokohin ko siya.

Sa isang buwan na iyon ay mas nadagdagan ko pa ang inisip niya na boyfriend ko si Ariel dahil nagkita kami sa isang restaurant at saktong si Ariel pa ang naroon kaya nagmumukha kaming nagdi-date dahil sa pangdalawahan pa talaga siya umupo kesa sa pangmaramihan na dapat ay para sa get together namin ng barkada.

Hindi lang iyon, nagkita rin kami sa mall at si Ariel ang kasama ko dahil nagpasama siya sa akin bumili ng gift niya para sa boyfriend niyang si John.

I felt like I'm cheating everytime I saw him ans I'm with some guy. Pero pinagsawalangbahala ko nalang lahat ng iyon at namuhay ako na parang hindi ako kasal.

I lived like a teenager, well I really am, I'm just eighteen after all. Gumagala ako kasama ang mga barkada, nag-o-overnight sa mga kabahayan ng ilan sa amin, at nakikiparty pero sumasama lang ako kapag sa bahay nila o sa hotel gaganapin ang party minsan kasi nagpa-party sila sa bar. Gustohin ko mang sumama dahil gusto ko ring makapasok pero iniwasan ko. Baka kasi kung anong mangyari sa akin doon kapag nalasing ako, kahit na alam kong hindi nila ako pababayaan still, prevention is better than cure. Paano nalang kung lahat kami lasing?

Hindi ko alam kung sinusundan ako ni Jaze o nagkataon lang dahil madalas ko siyang nakikita lalo na sa mall. Ang matindi pa ay sa bawat pagkikita namin ay may kasama akong lalaki — lalaki ang anyo, babae naman ang puso.

May nakakasama rin akong purong lalaki sa mall pero hindi naman date ang tawag roon dahil kung hindi nagpapatulong sa supresa nila sa mga girlfriend nila e may kinalaman naman sa pag-aaral namin kaya kami magkasama.

Hindi ko iniiwasan ang iilan sa mga gustong manligaw sa akin, binabasted ko lang bago pa sila makapagsimula. Lahat ng binasted ko naging kaibigan ko nalang kalaunan pwera kay Jerome na consistent kung makapanligaw kahit ilang beses ko ng binasted.

May pa-advice advice pa siyang nalalaman na huwag ko raw sagotin ang kung sino man sa manliligaw ko dahil lolokohin lang daw ako tapos ngayong wala ng naglakas manligaw sa akin dahil lahat sila basted ay kinuha naman niya iyong pagkakaton.

Lumipas ang araw, linggo, at buwan ay hindi pa rin kami nagkakausap ni Jaze. Lagi lang siyang nakatanaw sa akin mula sa malayo. Hindi na rin niya ako pinilit pa sa mga gusto niyang mangyari.

His Ignored LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon