Ignored 13

40 0 0
                                    

A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!

===========

Dalawang oras na simula ng makaalis ako sa V Builders Inc. o sa kompanya ni Jaze. Kanina pa rin tumutunog ang cellphone ko sa kakatawag niya pero hindi ko sinasagot.

Gabi na pero nandito pa rin ako sa Mall at namimili ng mga pasalubong para kina Mama. Kahit gabi na ay balak ko pa ring bumyahe ngayon kesa sa manatili rito at makita ang mukha ni Jaze. Ang mukha niyang nakangiti habang hinahalikan sa pisngi ng babae niya sa opisina na ang sarap pasabogin. Habang namimili ay nagmumunimuni rin ako.

Tapos na akong mamili kaya ngayon ay kumakain na ako ng haponan dahil alas syete na rin naman. Nag-take out na rin ako dagdan pasalubong. Iinitin nalang kapag nakarating ako.

Lutang akong naglalakad palabas ng mall. Parang sirang plaka ang nangyari kanina sa opisina na bumabalik sa akin. At sa bawat pagsagi niyon sa aking isip ay kalakip niyon ang pagkirot ng dibdib ko.

What does it mean?

I'm a writer, I should know what does it mean but I can't name it.

Or I just don't want to name it?

Ipinilig ko ang ulo at inabala ang sarili sa pag-hahanap ng masasakyan. Limang oras ang byahe pauwi ng Agus at malapit ng mag-alas otso kaya tiyak na hatinggabi o madaling araw na ako makakarating pero ayos lang. Pagkatapos ng nasaksihan kanina ay mas nawalan ako ng ganang makita at mas magalit pa kay Jaze kahit pa may nararamdaman akong sakit sa aking dibdib.

Wala akong dala ni isang gamit, puro pasalubong ang mga dala ko. Saan ako kumuha ng pambili? E di nag-withdraw ako sa ATM na bigay ni Jaze.

Simula ng ibigay niya sa akin ang ATM ay hindi ako gumastos sa mga bagay na hindi naman importante. Hindi ako kailanman gumastos na umaabot sa libo libo sa ilang oras lang, ngayon lang. Ngayon lang dahil galit ako kay Jaze kaya gumastos ako ng malaki pero bali wala lang naman iyon sa kaniya.

Tatlong oras na simula ng makasakay ako sa bus. At sa tatlong oras na iyon ay hindi ako nakaramdam ng antok kahit pa pagod ang mata ko dahil sa pag-iyak.

Oo, umiyak ako na siyang mas ikinagagalit ko dahil hindi ko alam bakit ako umiiyak?

Nang makalabas sa V Builders Inc. ay dumeritso ako sa mall sa cr at doon umiyak.

Bakit ko ba iniyakan ang lalaking iyon? E'di magsama sila ng babae niya! Pake ko? At least kapag nagka-girlfriend siya pwede na akong tumanggap ng manliligaw? Mararanasan ko na ang pakiramdam nang idini-date.

Wala sa sarili kong inihilig ang ulo sa salamin ng bus at hawak sa leeg na may kwintas.

Yumuko ako para mabasa iyong muli, "my queen."

"Tss," I smirked at myself. "May pa my queen, my queen ka pang nalalaman."

Sa inis ko ay hinila ko itong tinanggal sa leeg at itinapon sa isa sa mga plastic na dala ko.

Ibinaling ko nalang ang tingin sa bintana na madilim ang tanawin. Umaambon din kaya may mga patak ng ulan ang bintana.

Sa nakitang butil ng ulan ay siyang pamumuo ng luha ko. At nang tuloyang bumuhos ang malakas na ulan ay siya ring pagbagsak ng mga luha ko.

Bakit na naman ba ako umiiyak?

Can't he wait?

Nagalit siya sa akin dahil inakala niyang may relasyon kami ni Khyle pero at least nilinaw ko naman iyon sa kaniya, e siya? May pasabi sabi pang mahal niya ako, na hindi siya susuko pero may tinatago palang babae.

His Ignored LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon