Ignored 12

33 0 0
                                        

A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!

===========

Ten days after, we gathered all here in the airport  para ihatid si Khyle at Ace. Wala namang gagawin si Ace sa America pero pinili na rin niyang samahan ang pinsan roon baka raw kasi maglaslas kapag hinindian ni Eugine. Eugine is Khyle's special someone. Hindi ko lang alam kung bakit nilayasan siya ni Eugine.

“Mag-iingat ka roon ah,” I said and hugged him. “Kung hinindian ka ni Eugine tumawag ka lang sa akin–”

“Bakit, anong gagawin mo? Susugorin mo si Eugine?” Ace asked.

Umiling ako. “Hindi. Ako ang maghahanda ng panglaslas niya,”

Nagtawanan naman silang lahat. “Tagina, supportive friend. 'Yan ang gusto ko sayo, Diane!” puri ni Rico sa'kin.

Nang tinawag na ang flight nila ay hindi ko na napigilang mamuo ang luha ko. Pero ang mga tukmol pinagtawanan lang ako.

Nag-ayang gumala si Elton pero hindi na ako sumama at nagpahatid nalang sa boarding house. Nakahiga ako dahil walang magawa. Ang mga natitirang ka-boardmates ko ay nasa trabaho. What if mag trabaho din kaya ako? Total iyon naman talaga ang plano ko simula pa lang, natigil lang dahil nagsawa na ako sa mga rejections.

Bumangon ako para maghanda para makapaghanap ng trabaho nang tumunog ang cellphone ko.

Mama calling...

"Hello, ma?"

"Anak, Diane, akala ko susurpresahin mo kami ng uwi mo sa birthday mo. Bakit hindi ka umuwi? Bakasyon naman ah," magkahalong saya at lungkot ang boses ni mama.

"Sorry ma, nagkayayaan kasi ang barkada. Sila ang kasama ko. Sa Samal kami nagcelebrate." Magiliw na sabi ko.

Ilang segundo natahimik si mama bago ulit nagsalita. "Ahm... anak, uwi ka naman dito. Miss ka na namin lalo na ang papa mo."

"Sige ma, uuwi ako diyan. Pero may natira pa naman akong damit diyan diba ma?"

Kung uuwi ako ayaw kong magdala ng gamit. Nakakapagod may daladala. Kung may dadalhin man ako e pasalubong ko nalang para sa kanila.

"Oo naman. Kahit andiyan ka na, itong papa mo binibili ka pa rin ng damit. Ngayon ngang birthday mo may regalo siya sa'yo." Hearing her voice cracked make my eyes teary.

God! I missed them.

"Oo, ma. Uuwi ako ngayon diyan bukas. Maghahanda lang ako."

Good thing napatawag si mama. Dalawa o tatlong beses lang kasi kami nagkakausap sa isang buwan. Buti nalang at wala akong trabaho kaya makakauwi ako. Isa pa, kahit hindi ako magtrabaho mayaman naman si Jaze. Bahala na siya sa expenses ko. Hindi naman sa umaasa na ako sa kaniya pero parang ganon na nga.

"Anak, magkasama ba kayo ni Jaze?"

Ako naman ngayon ang natahimik. "Hindi po ma,"

"Ahm... kamusta naman kayo?"

"Ma, huwag na muna nating pag-usapan." I said with dissmissal tone but it didn't worked on her.

Ayaw ko na munang pag-usapan iyon dahil nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa pagitan naming dalawa sa Samal.

"Diane, anak, asawa mo pa rin naman si Jaze. Mag paalam ka kaya muna. Alam kong papayagan ka non pero bilang respeto sa kaniya,"

Paalam? Pwede rin ang kaso hindi ko alam kung saan siya pupuntahan. Hindi ko na matandaan saan ang address ng bahay na pinagdalhan niya sa akin noong unang dating namin. Kung sa trabaho din naman niya hindi ko alam saan. Kompanya? Wala akong alam. Isa pa inakala ko ngang lumipad siyang America eh.

His Ignored LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon