A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!
===========
Two weeks had passed, still no progress of my operation. My debt to Khyle is increasing even though he doesn't care if I'll pay him back or not, but I will pay him and I'm worried of where I should get the money?
At sa dalawang linggong iyon ay panay ang iwas ko kay Jaze. Hindi ko rin siya nire-reply-an o sagotin man lang ang tawag niya. Ayoko ko siyang kausap.
Ayaw ko na nga sa kaniya dinagdagan pa niya.
He's a busy person kaya minsanan lang siya kung maka punta sa school. At kung andon man siya at inaabangan ako ay agad akong tatawag kay Khyle para magpasundo. Buti na nga lang wala pang nakakahalata sa aming dalawa sa school.
"Oh, hi babe, aga ah?" Si Khyle na nakaupo sa sofa at nakaharap sa laptop niya.
Pabagsak akong umupo sa kabilang sofa. "Wala pa rin eh. Nabibwisit na talaga ako. Binalikan ko na nga iyong nagsabi sa akin na ko-contact-in nalang ako, hanggang ngayon wala pa rin daw." Tumawa siya na inirapan ko nalang at nagpadausdos pahiga. "'Yong seryoso, Khyle, ano bang problema nila sa akin? Bakit ayaw nila akong tanggapin? Wala naman akong sakit na nakakahawa ah!"
Khyle leaned on the sofa. "Baka talagang hindi nila kailangan. Hindi mo naman sila pwedeng pilitin na tanggapin ka."
I can't help but laugh sarcastically. "Hindi kailangan? Eh lagpas sampo yata ang napuntahan kong may nakalagay na 'wanted: sales lady', 'wanted: dish washer', at 'wanted: food crew'. Tapos ano? No'ng nag-apply ako sinabi, 'pasensiya na, may nakuha na kami' at tinanggal ang wanted sign!" I said with annoyed facial reaction.
"Eh baka talagang may nakuha na sila. Naunahan ka."
Napaupo ako sa inis sa sinabi niya. "Wow! Ano 'yon, sabay sabay? 'Yong tatlo nga sa in-apply-an ko magkakatabi lang ah. Huwag mo sabihing coincidence pa rin 'yon?" Marahas akong napabuga ng hangin sa irita. "Alam mo, may nangyayari talagang hindi maganda eh,"
He smirked and nodded multiple times before taking off his eye glasses. "So, anong plano mo? May padating ka pang babayarin dahil sa nalalapit niyong acquaintance party. Tapos may mga libro ka pang kailangang bilhin, saan ka kukuha ng pera? Eh ayaw mo namang tanggapin ang tulong ko."
Dahil sa sinabi niya ay umayos ako ng upo at seryoso siyang tinignan. "Thank you so much to your help, Khyle, but I'll pay you back and that's our deal. A sealed deal. At tungkol naman sa bayarin para sa acquaintance, ako ng bahala roon."
"But how about your tuition fee? Diba hindi pa nababayaran... nong... asawa mo," at lumukot ang mukha niya pagkabanggit sa salitang 'asawa'.
"Well about that… nakahanap na rin ako ng paraan. Don't worry about me."
Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ko. Wala nga akong nakuhang trabaho kaya paano ko mababayaran lahat ng dapat bayaran? Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon. Siguro dahil nahihiya na ako kay Khyle humiram ng pera kahit paulit ulit niyang sinasabi sa aking ayos lang sa kaniya. Ayoko namang isipin niyang tini-take for granted ko ang kabaitan niya kahit alam kung hindi niya iyon iniisip.
His eyes suddenly darted to my hand. "Where's your wedding ring?"
Tinignan ko pa muna ang kamay ko bago sumagot. "Ah, I took it off. Pero nakatago naman, hindi nawala."
"Bakit mo tinanggal?"
"Napansin na kasi ng classmates ko. Kaya tinanggal ko na para hindi na magtanong pa."
"Ilang araw mo nang hindi suot?"
"One week na. Good thing hindi na rin nagtanong si Liezel kung bakit ko tinanggal."

BINABASA MO ANG
His Ignored Love
RomanceJaze Valledor told himself that he won't love again after his ex-girlfriend leave him and rather chose her career. But things changed after his Mother asked him a favor and that is to look after Diane Claire until she turn twenty. What he needs to d...