Ignored 1

87 0 0
                                    

A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!

===========

"Yes, I'm married."

Lahat ng taong nakaupo ay napatayo including my co-authors. Pati rin ang mga nagkalat na mga staff ng event ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

Sino ba namang hindi magugulat? Sa edad na nineteen ay kasal na ako.

Kita ko ang paglabas ng malapad na ngiti ni Jaze mula sa seryosong mukha. Nakita ko rin ang hindi mapakali niyang kamay. Hindi alam kong ipapasok ba sa loob ng bulsa ng pantalon o ano.

May sinabi pa sa kaniya sina Macoy at Justine na nagpagkagat sa kaniya sa kaniyang labi. Pareho pa siyang inakbayan ng dalawa na parehong malalapad na ang ngiti na kita pa ang ngipin.

Sa hindi maipaliwanag ay nakaramdam ako ng tuwa ng makita ang ngiti niya. Ang masaya niyang mukha.

"Can you tell us who's the lucky guy?" Ate Miranda.

"Is it a fixed marriage?" Si Arnold.

"Can you describe your husband to us, misstery?" Catya asked and giggled.

Sunod sunod na ang tanong kaya nataranta ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at ano ang uunahing sagotin.

"Fixed merriage?" Ulit ko sa tanong ni Arnold. "Yes."

Nadagdagan pa ang gulat sa mukha ng mga tao sa sagot ko.

"The the diamond ring, is that your engagement ring?" Catya again asked while looking at my fingers.

Bagay talaga sa kaniya ang pangalan niya. Catya, dahil para siyang pusa kung makatingin. Lahat napapansin.

I looked at my fingers too. "Oh, yes!" I asnwered.

Tumingin ako sa camera at ipinakita rito ang kamay na may suot na engagement ring at wedding ring. Kita ko naman sa black screen na naka-zoom in iyon kaya kita ng lahat ng tao sa arena.

Sina Jaze naman ay nakatingin na rin sa black screen.

"The diamond ring is my engagement ring," Tinuro ko pa ang sing sing.

"When did you got engaged?" Arnold asked on the microphone. Naka zoom out na ang camera na kita kaming dalawa since magkatabi lang kami.

Binasa ko ang labi ko gamit ang dila bago sumagot. "I got engaged when I was sixteen years old, exactly at my birthday." Tinignan ko ulit si Jaze na ngayon ay may bahid na na guilty sa kaniyang mukha.

Naalala ko tuloy kung paano ako na-engaged.

I got engaged when I was turned sixteen without my knowledge and without knowing to whom.

Humihikab pa ako at wala sa sariling napabaling sa kalendayo na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto.

"Happy birthday self. Happy sweet sixteenth birthday Diane Claire Dela Cuesta." Bati ko sa sarili ng makita ang May eight na ginuhitan ko ng cake sa gilid bilang tanda sa kaarawan ko.

Paglabas ng kwarto ay, "Happy Birthday ate!" Ang siyang bumungad sa akin at niyakap ako ni Jelai.

Hindi pa ako nakakamumog pero hinila na ako ni Jelai palabas ng bahay sa may terrace. Naiyak ako sa nakitang handa sa pahabang lamesa. May spaghetti na paborito ko, may maccaroni, may letchon baboy, may pancit, afritada, adobo, at kung ano ano pa. May mga soft drinks. Maraming paper plates ang nakalagay sa lamesa na para bang may darating na maraming bisita.

May kulay blue rin na cake na may tatlong palapag at may nakasulat na, Happy 16th Birthday my queen, Diane Claire, at sa ibaba nito ay may nakalagay na your king. Hindi ko na napigilan pang umiyak dahil sa tuwa.

His Ignored LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon