A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!
===========
Bagsak ang balik na nakaupo ako sa tabi ng kalsada. Lagpas alas tres na ng hapon at kaninang alas otso pa ako nagsimula pero wala pa rin akong mahanap na trabaho at matitirhan.
Wala akong napala!
Linggo na ngayon at kailangan ko na talaga ng trabaho lalo pa't nagsisimula na ang mga bayarin sa ekwela.
Isang linggo na rin akong nakikitira sa condo ni Khyle. Alam kong wala namang kaso iyon sa kaniya pero sa akin meron. Hatid sundo niya pa ako kaya nakakatipid ako sa pamasahe. Siya na rin ang laging gumagastos sa pagkain ko tapos pati sa bayarin sa school sa kaniya ko pa iaaasa?
Ayaw ko na siyang gumastos pa para sa akin. I wanted to stand alone like what I am used to do before at the province, but how would I do that here if I don't have a job? Even a place for myself, wala.
Nahihiya na ako kay Khyle kahit pa wala lang iyon sa kaniya.
Nang maisip si Jaze ay wala na akong magawa. I don't have a choice but to asked for his help. Afterall, he's my husband why not let him pay for my expenses? Jaze is rich, I can even buy all the things I want using his money.
Napangisi ako ng wala sa sarili. Bilhin ko kaya lahat ng librong gusto ko? Lalo na iyong nga bagong release ng paborito kong Author.
Pero agad din namang naglaho ang ngisi ko nang maisip na magmumukha naman akong gold digger. Ano? Pera ang habol ko? But do I have a choice? I don't have any ways to earn money to pay for my expenses! All I have now is him. Jaze.
Pikit mata akong bumuntong hininga at kinuha ang cellphone sa dalang sling bag. Hinanap sa contacts ang number ni Jaze.
Muli akong pikit matang bumuntong hininga bago pinindot iyon para matawagan.
"Hello?" Jaze husky and formal voice filled my ear, and it sounds manly. I heared a flip of a paper, must be a report or what. I think he's in his office. Sa tuno ng boses niya ay hindi niya ata tinignan ang caller i.d.
"It's me,"
"Diane?" Tama nga ako. Hindi niya tinignan. He must be busy for doing that eh?
I sighed. "Are you busy?" May pag-aangalan kong tanong.
Seconds passed before he spoke. "Why?"
"It doesn't matter if you're busy or not." Pinatigas at pinaseryoso ko ang boses ng sabihin iyon para magmukhang wala akong pakialam. "I need to talk to you. Magkita nalang tayo sa Jollibee sa SM mall." Iyon lang at binaba ko na agad ang tawag.
Sumakay na ako ng jeep dahil masyadong mahal kapag taxi. Sa isang linggo kong pananatili dito ay kahit papaano ay alam ko na ang iilang pasikot sikot kaya kampante naman akong hindi maliligaw.
Pawisan ako at hagard na ang mukha kaya pagdating sa mall ay dumeritso muna ako sa cr para mag-ayos.
Naghilamos, nagsuklay, polbo at liptint lang ako. Paglabas ay imbes na dumeritso sa pinag-usapang jollibee ay hindi ko napigilang pumasok sa National Book Store. Hindi ko alam pero naakit talaga ako. I love reading and I love collecting books -- which all Khyle's gift for me in my every achievement -- kaya pagkakita pa lang ng store ay parang hinihila na ako nito. Lalo pa't marami ang tao roon. Nang masilip na ang bagong release na libro ang pinagkakagulohan ay patakbo akong tumungo roon.
Nagkakagulo na ang mga tao. Kaniya kaniya nang kuha ng libro dahil baka maubosan. Nang makita na iisa nalang ang nasa display ay awtomatikong gumalaw ang kamay ko at kinuha iyon. It was a bundle book; three books with book box. Nakita ko pang lumukot ang mukha at naghihinayang ang mga naubosan kaya napangisi ako dahil proud na proud na nakakuha ako. Lalo pa't narinig ko ang sinagot ng sales lady na tinanong ng iba kung may stock pa sila pero ang sinabi, "sorry, but that's all our stock."

BINABASA MO ANG
His Ignored Love
RomanceJaze Valledor told himself that he won't love again after his ex-girlfriend leave him and rather chose her career. But things changed after his Mother asked him a favor and that is to look after Diane Claire until she turn twenty. What he needs to d...