A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!
===========
Medyo maga ang mata ko dahil sa kakaiyak kanina. Maliwanag na ng makauwi kami. Magkahawak pa ang kamay naming dalawa nang pumasok sa bahay habang may dala namang supot ng pandesal si Jaze sa kabilang kamay.
"Goodmorning ma, pa," bati ko kina mama at papa na nagkakape sa kusina. Inabot naman ni Jaze ang pandesal. "Pandesal po, ma,"
"Hala! Nakiki-mama ka ah, kailan pa?" Pabiro kong tanong.
Ngumiti lang siya at mabilis akong hinalikan sa labi bago dalidaling pumunta ng kusina.
"Hoy!" Sigaw ko pero nakaalis na siya.
Pagbaling ko kina mama at papa ay may mga ngiti na sila. Si mama ngiti na masaya habang ngiting mapang-asar naman kay papa.
Papa's lips was parted and was about to say something but I rolled my eyes and turned around to stop him from his plan of annoying me.
Tumungo ako sa sala kung saan nakalagay ang lahat ng pinamili ko. Kinuha ko ang mga para sa mga kaibigan ko at pumunta sa kwarto para doon ilagay.
Nag-aayos ako ng kama nang bumukas ang pinto at pumasok si Jaze.
"My queen,"
"Hmm?" Hindi ko siya hinarap at nagpatuloy sa pag-aayos. Nahinto lang ako ng bigkang pumulupot ang kamay niya sa beywang ko at ipinahinga ang baba sa kaliwang balikat ko.
"Let's eat first,"
"Tataposin ko lang 'to."
"Huwag mo ng ayosin. Magugulo rin naman 'yan mamaya."
Nilingon ko siya kaya nahalikan ko siya sa pisnge. Ibabaling ko na sana sa kabila ang ulo ko para maiiwas pero pinigilan niya iyon ng kamay niya at lumingon sa akin para sakupin ang labi ko.
His lips moved and asking for an entrance again. And once again, like earlier, I let my heart be in control so I let him in. Ang sarap niyang humalik. Naisip ko tuloy bigla ang mga babaeng hinalikan niya noon. Grabe siguro sila kung nag-enjoy. Sa ganitong lalaki na gwapo na magaling pang humalik, jusko! Hindi lang ata halik ang nangyari. Uminit ang ulo ko bigla sa naisip. Lalo pa nang maalala ko ang babaeng humalik sa kaniya sa opisina niya. Pero agad ding naglaho iyon ng maramdaman ko ang dila niya.
I think we're doing a french kiss?
Hinahalikan niya ako mula sa likod ko at nakayakap sa akin ang kanan niyang kamay habang nakahawak naman sa pisnge ko ang kaliwa. Nadadala ako sa saliw ng sensasyong binibigay ng dila niya kaya hindi ko mapigilang sundan ang galaw ng labi niya kaso ng maramdaman ko ang pagguhit ng ngiti sa labi niya ay pinutol ko na iyon at siniko siya pero hindi sapat para mapabitaw siya sa akin.
Dahil sa ngiti niya ay bumalik sa isip ko ang naisip kanina tungkol sa mga babaeng nakahalikan niya lalo na iyong mismong nasaksihan ko. Bwisit!
"Anong nginingiti mo?" Pissed was evident on my voice and face.
"You really don't know how to kissed. I thought you learned earlier."
"Ah, ganon. Siguro iniisip mo ang mga nakahalikan mo noon ano? Nag-e-enjoy ka sa kanila dahil magaling sila? Ganon ba? And speaking off, you cheater! Sino iyong kalandian mo sa opisina mo, ha? Hindi ka na nahiya at pati sa opisina mo nagdadala ka ng babae!" Taas na kilay kong sabi.
"What?-"
Inalis ko ang pagkakayap niya sa akin at hinarap siya. "Don't worry, I'll hire someone to teach me. Para sa ganon ma-satisfy kita. Nakakahiya naman sa'yo." At tinulak siya pero dinakip niya ang kamay ko at hinila palapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
His Ignored Love
RomanceJaze Valledor told himself that he won't love again after his ex-girlfriend leave him and rather chose her career. But things changed after his Mother asked him a favor and that is to look after Diane Claire until she turn twenty. What he needs to d...