A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!
===========
Takbo agad ang ginawa ko ng makalabas sa villa. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay katumbas niyon ang pagpatak ng luha ko. At bawat luha na tumutulo ay katumbas naman nang panghihina ng tuhod ko hanggang sa mapaupo nalang ako.
Nasa dulong bahagi ako ng resort kaya walang tao, ako lang mag-isa kaya naibuhos ko ang lahat ng dinaramdam ko. Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal ko roon hanggang sa dumilim.
Muli akong napaiyak dahil sa katahimikang hatid ng lugar. Ang tunog ng hampas ng alon ay hindi ko na marinig dahil paulit ulit kong naririnig ang sinabi niya sa akin.
‘Because I love you’
Gago siya.
Isang taon ko siyang binaliwala at nasaktan ng ilang beses, sinadya man o hindi ay nanatili pa rin ang mahigpit niyang kapit.
Ang tanga niya.
Napahawak ako sa leeg ko dahil para akong malalagotan ng hininga sa paghagulgol pero laking gulat ko ng wala akong makapa. Yumuko ako para tignan pero wala akong nakitang kwintas.
Agad akong napatayo, natatarantang sinuyod ang paligid ko, hinahanap ang kwintas.
Hindi iyon pwedeng mawala!
Nang wala akong makita lalo pa't may kadiliman, tanging liwanag lang ng buwan ang nagtatanglaw ay mas lalo akong nataranta.
Ang kabog ng dibdib ko masdumoble pa nagpapahirap sa aking makahinga kaya hindi na ako mapakali pa.
Sinuyod kong muli ang dinaan kanina nang tumakbo ako. Nakayuko lang ako at palingalinga, ginagagad rin ng paa ko ang buhanginan dahil baka natabonan lang.
Habang tumatagal na wala akong makita ay lalo akong nababaliw. Ramdam ko na ang walang humpay na pagtulo ng luha ko.
Kung kanina ay umiiyak ako sa sakit, galit at kalitohan, ngayon naman ay umiiyak ako dahil sa takot, pangamba at pagkakataranta. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na hindi ko mahanap ang kwintas ko.
“Miss, are you okay?”
Hindi ko na mabilang kung pang-ilang ulit ko na narinig ang ganoong tanong sa akin ng mga taong nakakakita. Wala sa kanila ang atensyon ko, ni hindi ko man lang sila matignan kahit ilang segundo lang.
Malakas na iyak ko, para akong batang nawawala at hindi alam kung saan pupunta. Bawat minuto na wala akong nahahagilap, pabawas na pabawas ang lakas ko. Muntik na akong matumba dulot ng panghihina dahil sa ilang oras na walang tigil na pag-iyak, buti nalang ay nasalo ako ni Khyle na hindi ko namalayang nakasunod sa akin.
“Diane–” he didn't have a chace to finished his words.
“K-khyle, t-tulongan mo ako,”
“Tutulongan kita but let's go on our villa first–”
“No!” agad kong binawi ang kamay kong hawak niya. “H-hindi ako u-uuwi hanggat h-hindi ko nahahanap 'yon,”
“Khyle! Diane!” sigaw ng mga kaibigan ko na tumatakbo palapit sa amin.
Nang makalapit ay agad nilang sinuyod ang buong katawan ko, tinitignan kung ayos lang ako. Nang makitang wala naman akong galos o ano ay kita ko silang nakahinga pero ang pag-aalala ay naroon pa rin sa mata nila. May awa rin akong nabasa roon marahil ay dahil sa itsura ko ngayon lalo pa't hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.

BINABASA MO ANG
His Ignored Love
RomanceJaze Valledor told himself that he won't love again after his ex-girlfriend leave him and rather chose her career. But things changed after his Mother asked him a favor and that is to look after Diane Claire until she turn twenty. What he needs to d...