A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!
===========
"Maraming salamat talaga, Khyle ah? Tsaka, sorry na rin dahil sa akin nakaabsent ka pa." Paumanhin ko kay Khyle matapos naming makauwi ngayon dito sa condo niya.
"No problem, babe. I told you, I'm one call away, right?" Siya na inakbayan pa ako. "Anyway, tinanggap ka ba? Hindi mo pa sinasabi sa akin kung talagang enrolled ka na."
"Well..." Naglalakad ako papunta sa sofa at kasabay ng paglundag ko roon ay ang pagsigaw ng, "Yes!"
"Nice! Congrats, babe!" Tumabi siya ng upo sa akin at niyakap ako. "Anyway, sinong magpapaaral sa'yo? Papag-aralin ka pa rin ba ng... asawa mo?" Lumukot ang mukha niya ng banggitin ang huling sinabi.
Oo, alam na ni Khyle na kasal na ako. Hindi ko sinabi ang tungkol doon sa force marriage namin noong humingi ako ng tulong pero ngayon sinabi ko na rin. Kaibigan ko naman siya kaya wala akong problema at alam kong itatago niya iyong sekreto. Siya lang kasi sa barkada ang sinabihan ko. Bukod sa hindi ko pa nakikita pa ulit ang iba ay hindi ko rin alam kung sasabihin ko gayong madaldal ang ilan sa kanila. Talo pa ako sa kadaldalan.
Ang ngiti ko naman ay biglang napawi. Ang sigla ay biglang naglaho. "To be honest, hindi ko rin alam."
Wala na ako sa puder niya at kahit kasal kami ay walang nakakaalam na asawa niya ako kaya wala siyang resbonsibidad. Even though he said it, I don't need his money. I can find a way to pay for my own expenses anyway.
"Ganito nalang, total marami ka ng kakilala dito, why don't you help me find a job." Taas kilay kong sabi. "Tsaka, para na rin makaalis na ako dito sa condo mo."
Marahas ang pag baling niya sa akin kahit nasa tabi ko lang siya. "Hindi naman kita pinapalayas ah,"
"Yeap! But I want to stand on my own. Ayokong umasa sayo, babe. At magagawa ko iyon kapag may trabaho na ako. Sanay naman akong pagsabayin ang pag-aaral at trabaho and you know I'm doing fine on it." Taas noo kong paliwanag.
Inihilig ni Khyle ang likod niya sa sofa at hinihimas himas pa ang baba na animoy nag-iisip. "Hoy! Ano ba!" Sinampal ko ang balikat niya. "Tutulongan mo ako o susuntokin kita?"
Tumawa siya pero ilang segundo lang dahil agad siyang nagseryoso. Tumagilid siya ng upo para harapin ako.
"Alam mo namang tutulongan kita, pero babe, let me remind you of what happened on us when we tried finding a job for you here last month."
Napaisip rin ako. "Oo nga no?"
"But don't worry, babe. I will still help you but," he trailed off. He even showed me his pointer finger a sign of him having a condition.
He took off his phone on his pocket and clicked the recording before he spoke. "Hindi ka aalis dito hanggat hindi ka nakakahanap ng trabaho. And if you already have a job, you can only leave here after your first salary. Deal?"
Ganito talagi kami kapag nagkakaroon ng deal. We need to record it as a proof of our deal. Nagiging makakalimotin kasi kami sa deal kapag ayaw na naming ituloy. And Khyle know how my brain works. Alam niyang aalis agad ako kapag may trabaho na lalo pa't may pera pa naman ako.
"Babe, deal or no deal?"
"Do I have a choice?" I rolled my eyes. "Fine, deal."
Kinabukasan ay hinatid ako ni Khyle sa UM. Alas syete ang klase ko habang alas otso naman ang kaniya pero sa Ateneo siya nag-aaral.
"Bye, ingat ka ah." Paalam ko at kumaway sa bintana kung saan siya nakadungaw.
"Call me if you need anything." Tumango lang ako tsaka siya umalis.

BINABASA MO ANG
His Ignored Love
RomanceJaze Valledor told himself that he won't love again after his ex-girlfriend leave him and rather chose her career. But things changed after his Mother asked him a favor and that is to look after Diane Claire until she turn twenty. What he needs to d...