Ignored 2

80 0 0
                                        

A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!

===========

"Were getting married"

Tila ba'y isang matinis na musika ang sinabi niya na nagpabingi sa akin.

"Is... is this some kind of a joke?" Kinakabahan kong tanong. Ayaw kong seryosohin dahil wala namang basehan para mangyari ang kasal na sinasabi niya.

I even laugh to hide my nervous. Pero agad ding naglaho dahil lahat sila seryoso. Even kuya.

"Diane, anak-" Hindi ko na pinatapos  pa si Mama.

"Kuya," pagtawag ko kay Kuya sa paraang nanghihingi ng tulong ngunit napayuko lang siya at hindi makatingin sa akin.

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman. Taas baba na ang dibdib ko at parang naiiyak pero pinipigilan ko lang.

I stood up when Kuya walked towards the door with his head down but I called him once again before he could finally go out.

"Kuya," he stopped.

"Talk to them, Diane."

"Then stay!" Hindi ko maiwasan itaas ang tuno. I'm panicking!

Tumayo ako sa harap nilang lahat. Nakayuko si Mama at Papa na magkahawak ang kamay, ganoon rin ang magulang ni Jaze habang blangko naman ang mukha ni Jaze na nakatingin sa akin.

"Okay." Hindi ko alam kung ilang beses na ako bumuntonghininga para lang mapakalma ang nagrarambolan kong organs sa katawan. "C-could you please explain what's happening?"

"Naalala mo ang sinabi ko sayo noong sixteenth birthday mo?" Alin doon? "Nong ibigay ko sayo ang singsing?"

Para akong sinabuyan ng malamig na tubig ng maalala ang sinabi ni Mama noon.

"Sa oras na isuot mo 'yan engaged ka na."

Binuka ko ang bibig para magsalita pero umatras yata ang dila ko dahil wala ni isang salita ang lumabas. Marami akong gustong sabihin at tanongin pero hindi ko magawang magsalita.

"T-totoo 'yon?" Minuto ang lumipas bago iyon lumabas sa bibig ko.

Mama nodded. Pinasadahan ko naman ng tingin ang singsing na suot. "I got engaged... without my knowledge?"

"Anak kasi-"

"Bakit?" Hindi ko alam kung kanino ko iyon tinanong. Kung kina mama at papa ba o kay Jaze o sa magulang niya. Hindi ko alam sino ang babalingan. "B-bakit? H-how?... and why?"

I can't even compose a right sentence to ask questions. Sa dami ng gusto kong itanong at sabihin ay nagkahalohalo na iyon sa utak ko. Para akong bata na nagsisimula palang magsalita.

"We barely know each other! How come we're getting married?!" Sigaw ko kay Jaze.

Oo, kilala ko si Jaze dahil lagi ko siyang nakikita sa school kapag may event. Sa competition na sinasalihan ko sa iba't ibang lugar. Siya pa nga ang nagmimistulang private photographer namin ni Arah eh.

We know each other but we doesn't really know each other as we. As who we are!

Matuturing ko lang siyang acquaintance ko!

Hindi ko siya kilala. Kilala ko lang siya bilang Jaze. Bilang pangalan niya. Wala akong alam tungkol sa kaniya!

Kung ikakasal kami, ibig sabihin magpapakasal ako sa taong hindi ko kilala?

No way!

"I asked your parents for you to marry me." Jaze nonchalantly said.

"You asked my parents?" Hindi ako makapaniwala sa narinig. "You asked my parents for my hand? Why?"

His Ignored LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon