TWENTY SIX

10 1 0
                                        

"Everything is wrong. Walang magandang nangyayari. Hindi mo ba napapansin?" Sambit ko bago tumingin sa lalaking pinakamamahal ko.

He just stared at me. Naguguluhan rin ang mababakas sa mukha niya. Out of the topic naman kasi ang biglaan kong isinagot sa kaniya. He was asking me if I could be with him in his birthday.

Ngumiti ako sa kaniya at pumikit, "Lahat. Lahat ay wala sa tamang lugar. Sa sobrang rami ng kasalanan natin sa mundo, ginagantihan na tayo nito. Tapos... ako, ikaw, anggulo natin."

Muli akong ngumiti sa kaniya bago ipakita ang tunay kong nararamdaman. I'm really sad about us and about what's happening in our world.

Hinawakan niya ang kamay ko para sana hilahin ako ng mas malapit sa kaniya pero pinigilan ko ito at hinayaang magkahawak kami ng kamay.

"Ang hirap. Hirap na hirap na ako sa sitwasyon natin," Sambit ko at pinunasan ang mga luhang nagbabadya pa lang na mahulog.

Tiningnan ko siya sa mata at sigurado akong umiiyak na rin siya. How could I let this man cry?

Pinunasan ko ang magkabilaan niyang pisngi at pinagmasdan ang mukha niya. I fell in love with him first, and I am also giving up first.

"'Wag kang umiyak, hoy. 'Di naman kita pinaiiyak ah." Biro ko pa sa kaniya at tumawa ng mahina, but he stayed in that position and cried again.

"Bibitaw ka na?" Tanong niya sa akin bago dahan-dahang yumuko.

"No. Wala naman akong kinakapitan...  Paano ako makakabitaw?" Tinanggal ko na ang pagkakahawak ko sa kaniyang pisngi pero hinawakan niya ng mga kamay ko.

"Anong sinasabi mong wala kang kinapitan? I was with you the whole time." Pangangatwiran pa niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin, sakto lang para hindi ako masaktan.

"You know what? Nasanay ka lang na ako ang kasama mo. Pero hindi mo talaga ako minahal." Nagbadyang muli ang mga luha ko subalit hindi ko na ito pinigilan.

"Takot ka lang na maiwan. Takot kang mag-isa. Takot kang solusyunan mag-isa ang mga problema mo. Pero sumugal ako. Akala ko, mamahalin mo na rin ako kasi girlfriend mo na ako. Akala ko talaga tayo na. But you never really loved me. Alam ko 'yon. Kaya, bago pa ako tuluyang kumapit at hindi na makaalis pa sa 'yo, ititigil ko na 'to. Itigil na natin. Tigil..." I stopped before I ended my explanation to him.

I looked down, "Tigil na tayo?"

That night, I lost him.

No.

I never had the chance to have him.

I'll just say that, that night...

I knew how to let go.

#

Sorry for errors.

One-Shot Stories Compilation (Part Three)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon