THIRTY FOUR

8 1 0
                                    

SULAT PARA SA PINAKAMAMAHAL KONG SI MANUEL

Kailangan rin kita, Manuel.

"Hintayin mo ako rito. Ihahatid ko lang siya. Babalik ako kaagad. Sandali lang." Sabi mo no'ng gabing 'yon.

Sabi mo, sandali lang. Ang sabi mo, maghintay ako. Sinabi mong babalik ka pero hindi mo naman ginawa!

Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo nang gabing 'yon, hindi ko alam na naghihintay pala ako sa wala.

Hinda ka nagparamdam nang ilang linggo, lagi kang wala sa bahay niyo. Hindi mo sinasagot ang tawag ko. Anong nangyari, Manuel?

Tapos bigla kang nagparamdam. Tinawagan mo ako at sinabing nakabuntis ka ng ibang babae. Hindi ka man lang nagpakita sa akin.

"Aziah, nakabuntis ako. Sa tingin ko, dapat na kitang hiwalayan. Mahal naman kita pero nagkamali ako at responsibilidad ko ito. Patawad, Aziah. Kailangan niya ako. Kailangan ako ng magiging anak namin."

Iyan lamang ang sinabi mo bago mo patayin ang tawag. Hindi mo man lang hinintay ang sagot ko. Hindi ko alam kung paano mo ito nagawa sa akin. Bakit? Hindi ba ako sapat sa iyo? Wala ba akong halaga kaya basta ka na lang nagkamali? Hindi mo ba ako naisip kahit sandali lang?

Kailangan rin naman kita, Manuel.

Kailangan ka rin ng magiging anak natin.

Hindi ko na nasabi sa iyo dahil iba na ang pinili mo.

Kahit masakit, kakayanin ko.

Kahit kailangan kita, kakayanin ko.

Sana ay maging masaya ka na, Manuel.

Nagmamahal,

Aziah

#

This is just a letter from the girl hehe. Maybe, may story pa 'to. Thank you :>

One-Shot Stories Compilation (Part Three)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon