STILL INTO YOU
---
Napatitig na lamang ako sa kabuuan ng kwarto ko. Maraming lukot na papel sa sahig dahil sinubukan kong mag-drawing ulit kanina. Marami ring maruming damit sa kama at sa harap ng closet. Mayroon ring mga gulo-gulong papeles sa study table ko. Napamasahe na lamang ako ng ulo dahil alam kong kailangan ko itong linisan.
Sinamsam ko muna ang mga maruruming damit at inilagay ito sa basket. Samantalang ang mga lukot na papel ay inilagay ko sa isang plastic at itinabi muna sa kama.
Ang study table ko na lang ang hindi malinis kaya pinuntahan ko na ito para maayos ang mga papeles. Binuksan ko rin ang box na nasa ilalim ng study table.
Binasa ko nag isang lumang sulat na nasa pinakaibabaw ng laman ng kahon.
-
A LETTER TO MY FIRST BOYFRIEND
How are you, Samuel? It's been 5 years since I left the country. I just want you to know that I'm doing well here in States. And I want you to know something.
I never realize that I am still into you.
This is too late, but I want you to know my true feelings. Hindi ako nagsising iniwan kita at umalis ng bansa. It's for your own good. Sigurado akong hindi mo alam ang dahilan ko. I hope that if we will meet again, you'll still want me to be your friend.
Someone texted me to meet you in the plaza. Akala ko ay nagpalit ka na ng number dahil ka-pareha iyon ng typings mo. I didn't hesitate so I went to the plaza only to find you kissing with another girl.
Ang pinagsisihan ko ay hindi muna kita tinanong. Umalis agad ako sa plaza pagkatapos kong makita iyon. I planned everything. Aalis ako ng bansa, magtatayo ng business, at mamumuhay ng masaya. I planned it. Pero hindi iyon ang dahilan kaya umalis ako.
The girl you were kissing with is the daughter of your company's biggest investor. She talked to me in person at ipinaliwanag na gusto siyang maikasal sa iyo ng kaniyang lolo. At first, hindi ako pumayag ng hiniling niya na iwanan kita pero one day, ang mismong lolo niya ang kumausap sa akin. He threatened me that he will destroy your family's company and my family's business too. I can't do anything back then. I was just eighteen.
I am already 23 now. I am already matured enough to handle a relationship. But if you are already happy right now with someone, I don't want you to be bothered with this letter. I just wrote this so that I can finally move on without regrets.
It's been five years since I last saw you...and I never realize that I am still into you. Yes, I really do. I just want you to know that because I don't want to hide it.
Thank you for the memories, Samuel. We can still be friends, right?
---
Napatawa na lang ako nang mabasa ang letter na 'yon. I wrote it last year pero hindi ko rin naibigay. Hindi niya nalaman na mahal ko pa rin siya. He never knew my feelings for him.
Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon at wala na akong makitang dahilan para bumalik pa. He's probably happy now. Hindi na ako manggugulo.
Nandito pa rin ako sa states. Sa loob ng anim taon ay nagtatrabaho ako rito at sumunod na rin ang pamilya ko sa akin. Dito na kami tumira at wala na rin akong koneksyon sa Pilipinas pwera sa isa kong pinsan na tumira sa dati naming bahay. Malapit kasi roon ang trabaho niya kaya nagrerenta siya sa bahay namin ngayon.
Today is my day off kaya naisipan ko ring maglibot-libot muna. Mamamasyal ako ngayon at magsasaya. Dahil nabasa ko ang letter ay gumugulo na naman sa isipan ko ang mga nangyari noon.
Huminto ako sa isang tulay at napansin kong ako lang ang tao roon. Payapa ang agos sa ilog na nasa ibaba kaya tiningnan ko na lang ito ng ilang minuto bago tumingin sa papalubog na araw.
I shouted everything that makes me sad and bother. Lahat. Wala naman siguro silang pake kung sisigaw ako rito. Tagalog naman ang isisigaw ko so they probably won't care.
"Mahal na mahal pa rin kita! Hindi ko alam kung bakit hindi kita makalimutan! Samuel! Mahal pa rin kita!" I shouted my lungs out and breathe heavily afterwards.
"My feelings for you hasn't changed. This heart...is still beating for you. Walang nagbago." Someone spoke.
Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko nang makilala ang boses na nanggaling sa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon at napigil ko pa ang hininga ko.
"Samuel?"
He smiled at me before hugging me tight. Wala pa rin akong magawang reaksyon at nanatiling hindi gumagalaw habang nakaawang ang bibig.
"I still love you, Kelly." Lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin at nagawa ko na ring yumakap pabalik. I cried so much while hugging him.
"Sa 'yo pa rin ako, Samuel. Hindi ako nagbago maging ang nararamdaman ko. I am still into you."
Totoo nga talaga ang sinasabi nila. Kung kayo talaga ang itinadhana, magiging kayo pa rin sa huli.
#
Sorry for errors.
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories Compilation (Part Three)
Teen FictionOne-Shot Stories Compilation Part One and Part Two can be found on my profile. Thank you for reading!
