THIRTY

7 1 0
                                    

SOBRA

---

Jeshia is the only girl I loved since I became I teenager. They say that this love I have for her is not true. But I didn't believe them. And guess what, my love for her lasted for six years. I'm already eighteen.

I never confessed to her. Hindi ko kaya. Naku-kuntento na ako na nasisilayan ko ang maganda niyang mukha araw-araw. Tuwing umaga at hapon ay nagdadaan siya sa harap ng bakuran namin dahil nag-aaral siya sa paaralang malapit rito. Samantalang ako ay sa bayan pa at sa pribadong paaralan.

Wala ring nakaalam na hindi nawala ang nararamdaman ko para sa kaniya sa loob ng anim na taon. Ewan ko ba kung sadyang magaling lang akong magtago o hindi na talaga nila pinagtuunan ng pansin ang feelings ko para kay Jeshia.

Until my brother said something that broke me silently.

"Hey, Jesper. Mukhang may nagugustuhan na ako." Balita niya at tumabi sa akin sa pagkakatayo sa balcony namin.

Napangiti naman ako. Simula kasi nang maaksidente si kuya ay natakot na siyang lumabas ng bahay. Lagi lang rin siyang nasa kwarto niya dahil may trauma pa rin siya pero these past few days ay sinasamahan niya na ako sa balcony tuwing hapon. Quality time na rin siguro bilang magkapatid.

"Sino? Alam mo pangalan, Kuya?" Tanong ko sa kanya at medyo tinukso pa siya.

"Lagi siyang nagdadaan diyan sa harap tuwing umaga tas hapon. Sabihin mo pangalan sa akin kapag kilala mo ah? Maya-maya lang dadaan na 'yon," Sagot niya dahilan ng pag-usbong ng munting kaba sa puso ko.

Siguro, hindi naman si Jeshia 'di ba?

Nang makita ko si Jeshia mula sa malayo ay nagsalita rin si kuya na nagpawala ng ngiti ko sa labi.

"Siya 'yon. 'Yong may dalang bag na black at may isang librong yakap. Nakikita mo?" Turo pa ni kuya kay Jeshia.

"Kilala ko siya..." Nag-aalangan pa ako kung sasabihin sa kaniya ang pangalan ni Jeshia.

Napangiti naman si Kuya at agad nagtanong sa akin.

Nag-aalinlangan pa ako pero sinagot ko pa rin si Kuya.

"Jeshia Villasica ang pangalan niya. Dati pa siya nakatira rito sa street natin ah. 'Di mo kilala?" Tanong ko kay Kuya.

"Siguro hindi. Maaga kasi akong umaalis ng bahay at gabi na ako umuuwi 'di ba?" Sabi niya at may punto naman siya.

Nagdaan ang ilang linggo at nangyari na nga ang pinaka-kinatatakutan ko. Nagawa ni Kuya sa loob ng limang linggo ang hindi ko nagawa sa nagdaang anim na taon. Araw-araw ay hatid sundo siya ni Kuya, at balita ko pa kay Kuya ay nililigawan niya na ito.

Kagaya ng nakagawian ko ay nasa balcony ulit ako ngayong hapon. Makikita ko na namang magkasama si Jeshia at ang kuya ko. Masakit man tingnan pero masaya na rin ako para sa kanilang dalawa. Si Jeshia lang rin ang unang nakapagpangiti kay kuya simula nang ma-trauma ito sa aksidente. Tuwang-tuwa nga rin sila mama at papa. Wala rin naman akong karapatang tumutol sa kanila kung magiging sila nga.

Naihatid na ni Kuya si Jeshia sa bahay nila at dumiretso agad siya rito sa balcony. Magk-kwento ulit siya tungkol kay Jeshia. Sa sitwasyong ganto, nasasaktan lang ako pero masaya rin naman sa pakiramdam na halatang masaya sila sa isa't isa.

"Ang saya talaga kasama ni Shi. Ang dami niyang baong jokes kanina. Nilibre niya rin ako ng streetfoods kahit sabi ko na ako na lang. Hindi rin daw kasi ako pamilyar doon at siya ang nag-aaral doon." Kwento ni kuya sa akin at naupo sa tabi ko.

"Talaga?" Walang iba akong maisagot kay kuya kaya ngumiti na lang ako.

"Jesper, naaalala ko na!" Biglang saad ni kuya at napatayo pa.

"Ang ano?" Tanong ko naman kaya napaupo ulit siya.

"'Di ba, siya 'yong naging crush mo dati nung grade 7 ka pa lang?" Tanong niya na ikinalabog ng puso ko.

"Siguro...? Siya ba 'yon? Hindi ko na maalala. Hahaha." Pagpapanggap ko pa.

"Sigurado ako! Crush mo pa rin ba siya? Kung ganoon, magkaroon tayo ng patas na laban." Saad niya.

"Ha? H-hindi na ah. Bakit mo naman naisip 'yan?" Tanong ko bago yumuko at nagkunwaring kinakamot ang binti ko.

"Wala lang. Naisip ko lang." Sabi niya bago magpaalam na maliligo lang siya.

Nanatili lang ako sa balcony hanggang mag-gabi. Inisip ko rin kung tama pa bang ipagpatuloy ko ang nararamdaman ko para kay Jeshia. Inisip ko lahat. Everything. Everything that breaks me. Lahat ng nagpapagulo at sumisira sa puso't isipan ko.

Dalawang buwan ang nakalipas bago sinagot ni Jeshia ang kuya ko. At sa dalawang buwan na 'yon, kine-kwento sa akin ni kuya ang nangyayari sa kanila sa araw-araw. At tuwing gabi, ngingiti na lang ako sa sarili ko at sasabihing makakalimutan ko rin siya. Pero bakit? Bakit hindi ko siya kayang bitawan?

Nang hapon na sinagot siya ni Jeshia ay nagtata-takbo siya papunta sa akin at niyakap pa ako. It broke me again. Nothing's new anyway. Nasasaktan ako araw-araw. Walang nagbabago sa nararamdaman ko kaya lalo lang akong nasasaktan habang nagtatagal.

Nagdaan ang ilang taon at malapit ng ikasal sila Jeshia at Kuya.

At sa mga taon na 'yon?

Walang nagbago.

Siya pa rin ang mahal ko.

---

Ngayong araw ang kasal ni kuya at nagdahilan rin akong hindi ako makakapunta dahil ngayon ang flight ko paalis ng bansa. Kung lalayo siguro ako, magagawa ko ring makakalimot. Successful na rin ang buhay ko ngayon pero itong puso ko, basag na basag na.

Nagdaan ako sa simbahan at ipinahinto sandali ang taxi. Lumabas rin ako at tumitig sa malaking pinto ng simbahan.

And for the first time, I cried because of her.

Kahit kailan ay pinigilan ko ang mga luha ko. Naisip ko kasi, anong rason ko para umiyak? Hindi naman naging kami ni Jeshia kaya bakit ako iiyak?

Pero ngayon?

May rason na ako.

I can finally cry without stopping myself.

Because this time...

I'm letting go of myself from this painful love.

Pwede na akong umiyak ng umiyak.

Pwedeng-pwede na.

Kasi sobrang sakit.

Sobra.

#

Sorry for many errors in this story! Thank you for reading.

One-Shot Stories Compilation (Part Three)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon