DOOMED [Part One]
---
"Wala po munang makakalabas ng restaurant na ito. Magkakaroon po muna kami ng ilang minutong imbestigasyon." Saad ng isa sa mga pulis na agad dumating nang malamang may murder case rito sa restaurant.
Agad na nag-ingay rin ang mga customer, ang iba'y mayroon pa yatang pupuntahan kaya naiirita sila sa nangyayari ngayon. Ang iba naman ay nakiki-usyoso pa rin sa babaeng nakadukdok sa lamesa at wala ng buhay.
Is it just a coincidence? Or just because I am here, something horrible happened?
Isa lang akong normal na estudyante sa isang normal na paaralan. Pero ang lahat ng iyon ay nagbago, simula ng mamatay ang aking ina. Someone killed her, and since then, I became a 'detective'. Well, not literally. I just liked solving mysteries.
Nakinig ako sa usapan ng mga pulis at ang tinitingnan nilang anggulo ay suicide. Ganoon ba sila katanga para sabihing suicide 'to? O ayaw lang nilang palakihin ang gulo?
"Misters, your deductions are all wrong. Ahm, that's just merely suspicions by the way. It is a murder case, not suicide." Sabat ko sa mga pulis kaya napatingin sila sa akin maging ang customer.
"Bata, huwag ka na lang sumabat sa usapan ng matanda. Umupo ka na lamang diyan," Sabi ng isang pulis kaya nginisihan ko na lamang silang lahat.
Alam kong paparating na sila Mr. Arellano. Ang detectives na naka-assign sa bayan namin. At kilala rin ako ng grupo nila. Malamang, hahayaan nila akong mag-imbestiga rito.
"Oh! Mr. Arellano! Mabuti at dumating ka na rin." Pagbati ng isang pulis kay Mr. Arellano.
Pero hindi siya sinagot ni Mr. Arellano dahil nakita niya ako, "Bakit nandito ka na naman? Nagkakataon lang ba talaga, Lucian?"
"Kilala mo ba siya, Mr. Arellano? Sumabat siya kanina sa usapan namin, wala yatang magawa sa buhay niya." Sabi ng pulis na bumati sa kaniya.
"Hindi siya basta estudyante lang. Halika, mag-usap muna tayo."
Lumayo muna silang dalawa at nag-usap. Mukhang mapapasabak na naman ako sa isang case.
Matapos magkaayos ng mga pulis at detectives ay hinayaan na nila akong mag-imbestiga.
Una kong tiningnan ang kasalukuyang itsura at position ng babae. Sa unang beses na titingnan mo siya, ay mukha lamang siyang natutulog. Pero kung titingnan mo ang mukha niya, makikita mo pa ang trace ng bula na lumabas sa bibig niya. Nilason siya gamit ang isang chemical na nakamamatay pag nakain o nahalo sa inumin. May pagbula rin ang makikita bago tuluyang mamatay ang biktima pero nalulusaw agad ito. Pero dahil ako si Lucian, nakita ko 'yon.
May kakaiba ring pagkilos ang isa sa staff ng restaurant. Pinagmasdan ko siya pero...sigurado akong hindi siya ang salarin.
Tiningnan ko ang cellphone ng biktima at napangiti ako nang makakita ng ebidensya. Isang malakas na ebidensya na makapagtuturo ng salarin.
I smiled at the culprit before mouthing,
"You're doomed."
#
Ano kaya ang nakita ni Lucian sa cellphone ng biktima? Sino ang salarin?
Thank you for reading!

BINABASA MO ANG
One-Shot Stories Compilation (Part Three)
Teen FictionOne-Shot Stories Compilation Part One and Part Two can be found on my profile. Thank you for reading!