THIRTY FIVE

14 1 0
                                        

"AKO 'TO, SI NATOY NA MAHAL NA MAHAL KA."

[errors ahead!]

-

"Hoy, Natoy!" Sigaw ko pagkapasok ko ng classroom. May gimik kasi kaming bago, sabi niya kahapon.

A friendship between a guy and a girl will never be accepted in our society. Tulad na lang ng pagkakaibigan namin ni Nathan, lagi na lang nila kaming pinagdududahan. Pero totoo naman ang mga duda nila. Charot. Basta, naging crush ko na lang bigla si Nathan. Ako lang yata ang may nararamdaman sa kaniya at kapatid lang ang turing niya sa akin. So it's better to keep this as a secret. Ayoko namang masira ang friendship namin dahil lang crush ko siya.

"'Wag mo nga akong tinatawag na natoy! Binaon ko na 'yan sa lupa, bungol!" Sigaw nya pabalik at hinila ako para makaupo sa armrest niya.

"At bakit naman bungol ang tawag mo sa 'kin? Ha!" Sigaw ko ulit kahit magkatabi na lang kami. Naglalaro na yata siya sa cellphone niya.

"Hoy kayong dalawa ah! Pag talaga hindi kayo nagkatuluyan, magpapakasal ako sa baka namin!" Tukso ni Boki, isa pa naming kaibigan.

"Eh 'di ako na may sagot ng kasal!"
"Ako na bahala sa kasal!"

Sabay pa kaming sumigaw kaya lalo lang kaming pinagtutukso ng buong klase. Hay nako, kailan ba nila maiintindihan na kaibigan lang ang turing namin sa isa't isa? Chos. Crush ko pala siya. Sa totoo lang, isang taon ko na siyang crush. Pero anong magagawa ko? Baka magkaibigan lang talaga kami. Makakahanap pa 'ko ng mas gwapo at mas matalino sa kaniya 'no.

"Saan tayo gagala mamaya?" Tanong ko na lang sa kaniya at hindi na pinansin ang panunukso nila na tumigil rin naman.

"Basta!" Sagot niya na sumakto naman sa pagdating ng adviser namin. Naupo na rin ako sa upuan ko na ginawa rin ng mga kaklase ko, palibhasa kung saan-saan gumagala.

---

Nang mag-uwian na ay agad akong hinila ni Nathan sa third floor ng building namin. Ewan ko kung bakit, eh nasa first floor lang naman room namin. Akala ko ba aalis kami?

"Bakit ba tayo nandito? Tara na! Galang-gala na ako." Bakas na ang pagkairita sa boses ko na normal lang naman. Lagi naman akong ganito, sanay na siya.

"S-Sumilip ka na lang sa baba!" Sigaw niya na nakapikit pa. Ang weird niya, buti na lang sanay na ako.

Sumilip naman ako sa baba gaya ng utos niya pero wala naman akong nakita. Baliw ba talaga 'tong natoy na 'to?

"Wala naman, natoy! Hahahaha!" Tumawa ako nang makitang naasar siya sa tawag ko sa kaniya. Childhood nickname niya kasi 'yon at ayaw nya na tinatawag sa gamit 'yon. Ang pangit raw.

"Dito kasi, bungol!" Pagkasigaw niya ay sumilip na lang ako sa kabilang side at nagulat sa nakita.

"Ikaw yata ang bungol?" Bulong ko habang nakatitig sa baba.

May malaking bilog sa baba na gawa ng mga pulang crepe paper at mayroong mga kandila na nakapaligid roon. May banner na malaki ring hugis puso na may nakalagay na, "It's always you. I didn't know I would fall this hard. Bungol, mahal kita."

Baliw na ba talaga siya?

Hindi na ako nakapagsalita at nanatiling nakatitig sa baba. Ewan ko kung namumula ba ako ngayon, sana hindi. Totoo ba 'to? Nananaginip ba ako?

"Oy, bungol. Magsalita ka!" Sabi niya pagkatapos pitikin ang noo ko. Sino ba namang makakapagsalita kapag nag-confess sa 'yo ang bestfriend mo?!

"Ikaw kaya ang mag-explain!" Sigaw ko sa kaniya nang nagkaroon na ako ng lakas ng loob na humarap. Siguro, namumula talaga ako ngayon!

"Ewan ko kasi kung paano nangyari at kung bakit. Basta, nahulog na lang ako sa 'yo! Masyado mo naman kasi akong bantayan! Tuwing may gala ako, kasama ka lagi. Ewan ko sa 'yo. Pa-fall ka. Ano, na-realize mo na? Mahal kita! Hindi lang basta kaibigan. I love you for real." Sagot niya sa akin at yumuko pagkatapos.

Napangiti na lang ako. Sino ba namang hindi matutuwa?

"Weh?" Wala na akong ibang masagot sa kaniya.

Nakangiti na lang ako rito habang kaharap ang taong gusto ko, na gusto rin pala ako.

"Ako 'to, si Natoy na mahal na mahal ka. Simula ngayon, liligawan na kita. Papatunayan ko sa 'yong kaya ko pang higitan ang ibang lalaki diyan. Matagal na tayong magkaibigan, kilala mo naman ako 'di ba? Nahihiya talaga ako pero kapag hindi ko pa 'to nasabi sa 'yo, baka mabaliw na talaga 'ko. Hindi ko mapapangakong hindi kita masasaktan pero hindi kita iiwan. Kahit anong problema, kahit anong mangyari, hinding-hindi kita iiwan. Uulitin ko, ako 'to, si Natoy na mahal na mahal ka. 'Wag kang tumitig diyan, alam kong gusto mo rin ako." Mahaba niyang litanya na lalong nagpaawang sa bibig ko. Nahihiya pa ba siya niyan?

Bakit nga ba namin nagustuhan ang isa't isa? Minsan talaga, nagtataka na 'ko sa tadhana na 'to. Masyadong pabida sa buhay ng lahat. 'Yong iba, nasasaktan ngayon, tas 'yong iba masaya. Hay nako.

"Eh di tara na, Natoy." Hinila ko na siya pababa at nahalata ko namang naguluhan siya.

"Ha? Bakit? Saan?" Mukha siyang tanga kung makapagtanong, buti na lang gusto ko 'tong baliw na 'to.

"Magd-date pa tayo. Bilisan mo!"

Who knows what will happen in the future? What matters right now is that we are sincerely happy.

I'm happy when I am with my Natoy.

"Bakit ikaw humihila sa 'kin?!" Sigaw nya habang tumatakbo kami at nanguna pa.

Sumigaw pa siya na lalong nagpalaki ng ngiti ko. I fell hard too, right?

"Ako 'to, si Natoy na mahal na mahal ka! Bungol!"

#

Lame. Tinype ko lang kasi us2 ko. HAHAHAH.

One-Shot Stories Compilation (Part Three)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon