TWENTY NINE (PART 2)

9 1 0
                                    

DOOMED [Part Two]

I suggest you should read the part one of this story.

---

Lumapit ako kay Mr. Arellano at ibinulong na alam ko na kung sino ang salarin. At hindi na siya nagtaka na mabilis ko itong nalaman.

Kinausap na rin niya ang mga pulis kaya nagkaroon pa ako ng oras na makakalap ng ibang ebidensiya.

"Ms. Wilson?" Pagtawag pansin ko sa isang waitress. Siya 'yong kanina pa hindi mapakali and she's always touching her pocket.

Naagaw ko rin ang pansin ng mga customer maging ang pulis. Well, I'm used to it. Oras na ito para sabihin kung sino ang salarin.

"Can you show us what's in your pocket?" I smirked when I saw her reaction.

Nilitaw naman niya ang nasa bulsa niya bago nagsalita. Isang maliit na botelya na may lamang transparent na liquid. Aakalain mong tubig iyon, peor kung may alam ka sa chemicals, ay malalaman mong nakamamatay ang laman niyon.

"Hindi ako ang pumatay sa kaniya! Maniwala kayo!" Nagh-hysterical na sigaw niya. Nagbulungan rin ang mga customer. Sobrang judgmental nga naman ng mga tao ngayon.

"Of course, you didn't. Alam mo ba kung sino ang naglagay niyan sa bulsa mo?" I asked her again.

Kumalma naman siya nang maniwala ako sa kaniya. At alam ko naman talaga na hindi siya.

"H-hindi. Hindi ko alam kung bakit ito napunta sa b-bulsa ko." Nanginginig pa siya habang nagsasalita.

"Pwede bang sabihin mo sa amin kung kailan mo lang nalaman na iyan ay nasa bulsa mo?" Muling tanong ko sa kaniya.

"Kanina lang, simula nang malaman ng isang waitress na patay na nga ang customer namin." Sabi niya at stable na rin ang boses niya.

"Sino ang halos wala pang absent rito?" Tanong ko sa mga waitress na naka-hilera sa tabi ng counter.

Dalawa naman ang nagtaas ng kamay kaya napatingin ako sa kanila. Malamang, may makukuha rin akong impormasyon sa kanila.

"Sino sa inyo ang madalas na nakakakita sa biktima?" Tanong ko sa kanila. Base sa name tag nila, Santos at Ramos ang apelyido nila.

Napansin ko rin na ang bawat staff rito ay may name tag. Pero apelyido lang nila ang nakalagay. Pero nakatulong rin iyon sa imbestigasyon ko.

Nagtaas ng kamay si Ms. Ramos, "Ako po. Consistent customer po kasi namin siya at laging ako ang naa-assign sa kaniya. Tuwing lunes, martes at biyernes siya kumakain rito at mukhang laging may katext sa cellphone niya."

"Nakausap mo na ba kahit isang beses lang?" Tanong ko kay Ms. Ramos.

"Oo. Nagtanong ako noon sa kaniya kung may hinihintay ba siya, at oo ang sagot niya. Tapos tumawa pa siya, lagi raw siyang hindi sinisipot." Sagot ulit ni Ms. Ramos.

Napangiti na lang ako nang makumpleto ang susuporta sa mga ebidensya ko at muling tumingin sa totoong salarin. Nakayuko lang siya pero hindi mo mahahalatang kinakabahan siya.

"Alam ko na kung sino ang salarin."

Nagbulungan na naman ang mga costumer maging ang mga pulis, samantalang ang mgs detective ay namangha na lang. Kilala na kasi nila ako.

"Kung hindi niyo natingnan ng maigi ang kinakain ng biktima, mayroon iyong isang hibla ng buhok, at mahaba." Panimula ko at pinanatili ang ngiti sa aking mukha.

"Ang salarin ay walang iba kundi si Mrs. Villaroel." I showed my famous smirk at them, it's not really her.

Napatunghay na sa kanyang pagkakayuko si Mrs. Villaroel. I'm just testing the real culprit.

One-Shot Stories Compilation (Part Three)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon