TWENTY

12 1 0
                                    

SALAMAT, MA.

-

"Nakatitig ka na naman diyan?" Tanong sa akin ni mama habang kinukuha niya ang maruruming damit ko.

"Ma, umuulan ah. Bakit ka maglalaba?" Pabalik na tanong ko sa kaniya.

Tuwing umuulan, lagi akong tumitingin rito sa bintana na kaharap lamang ng study table ko. Kabisado na yata ni mama ang routine ko. Pero hindi niya pa alam ang rason ko, hindi nga siya nagtatanong e.

"Hindi naman porke't umuulan, dapat nang hindi maglaba, anak." Tumingin na ako sa kaniya nang sumeryoso ang tinig niya.

Ngumiti siya sa akin at muling nagsalita, "Hindi porke't may pumipigil sa 'yo ay hindi mo na gagawin ang gusto mo. Anak, sabihin mo nga sa akin. Anong pumipigil sa iyo na kalimutan siya?"

Habang hinahanap ang maaari kong isagot sa tanong ni Mama ay hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga butil ng luhang kanina ko pa pinipigilan para hindi niya makita.
Linapitan ako ni mama at niyakap.

"Mama...sobrang sakit kasi. Hindi ko magawa kasi iniisip ko... magkakaroon pa kaya ng 'kami'? Wala akong magawa kundi tingnan na lang siya araw-araw. Para ngang hindi kami nagkakilala. Hindi na niya ako tinitingnan sa mata. At ngayon, masaya na siya sa iba. Sobrang sakit, Ma." Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko habang nagsasalita.

Akala ko, nakalimutan ko na siya. Pero nang nagtanong si mama, parang bumalik na naman ang lahat ng alaala namin maging ang nararamdaman ko para sa kaniya. Mali, wala palang nawala. Sadyang nakalimutan ko lamang ang mga 'yon sa panandaliang panahon.

"Kung masaya na siya sa iba, bakit hindi mo magawa? Bakit hirap na hirap ka sa pagbitaw kung wala ka naman ng kinakapitan? Anak, marami ka pang makikilala at marami pang pagsubok ang naghihintay sa iyo. Kung sa simpleng sitwasyon na ganito ay hindi ka makaalis, paano pa sa iba?" Malalalim na tanong ulit ang pinakawalan ni Mama, pero alam ko, alam kong payo niya iyon sa akin.

"Mama, tulungan mo ako," Bulong ko habang unti-unting tumitigil ang pagtulo ng mga luha ko.

"Anak, alam mong ikaw lamang ang makagagawa niyan. Pero itong mga susunod kong sasabihi'y sana ay makatulong sa 'yo." Inalis niya ang pagkakayakap nya sa akin at tinitigan ako sa mata bago punasan ang basa kong pisngi.

"Ano 'yon, Ma?" Tanong ko sa kaniya.

"Ang bawat pagkakamali ay maaari pang itama, anak. Magtiwala ka na magagawa mo siyang makalimutan. At higit sa lahat, mahalin mo ang sarili mo ng buong-buo. Dahil 'yan lang ang makakapitan mo sa oras na iwanan ka ng lahat."

Siguro nga ay hahayaan ko ng sumaya ang sarili ko.

Salamat, Ma.

#

Sorry for errors. Tinype ko lang 'to kasi ewan ko. Hshshs.

One-Shot Stories Compilation (Part Three)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon