FORTY

15 2 0
                                        

(this will be the last one-shot for this compilation. i'll make another one if it's necessary or ewan. walang title 'to. hehe.)

BROKE

-

Napatigil ako sa pagtakbo nang bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.

Nagpatuloy na lang ako sa pagtakbo kahit pinagtitinginan ako ng mga nakasilong sa tabi-tabing mga tindahan. Ako na lang yata ang tumatakbo sa kalsada.

Lalo ko pang binilisan ang takbo ko kahit wala na akong makita dahil sa lakas ng ulan nang marinig ko na naman ang pangalan ko mula sa boses niya.

"Rita! Mag-usap tayo! Please!"

"Tigilan mo na 'ko!" Pabalik kong sigaw sa kaniya.

"Mag-usap tayo ng maayos!" Sagot pa niya sa akin na dahilan ng paghinto ko at naabutan na rin niya ako.

Mukha kaming tangang basang sisiw rito sa tabi ng kalsada. Ano 'to, kdrama?

"Anong sabi mo? Mag-uusap ng maayos? Jusko, Miel! Nag-usap na tayo kanina, at maayos 'yon! Tapos na tayo, kanina pa!" Sigaw ko sa kaniya dahil sobrang lakas ng ulan at baka hindi niya ako marinig.

"Ang sabi mo, naiintindihan mo ako! Pero bakit ka umalis na parang galit na galit ka sa 'kin?" Panunumbat niya.

Napapikit na lang ako at tumingala para pigilan ang mga luha ko. Kahit hindi niya naman makikitang umiiyak ako, ayoko pa ring umiyak dito.

"Wala ba akong karapatang magalit kahit mga ilang porsyento lang, Miel?! You chose to be happy. Nakalilimutan mo ba? At pipiliin ko rin 'yon. Pero bakit ngayong pipiliin ko pa lamang 'yon ay pinipigilan mo na ako?"

"Because you said that you know my situation. Sabi mo, naiintindihan mo ako. Akala ko magiging magkaibigan pa rin tayo!" Sigaw niyang muli sa akin na para bang kasalanan ko pa ang lahat.

Ewan ko ba sa lalaking 'to kung bakit ayaw niya akong maging masaya. Bawal ba talaga akong sumaya?

Tumahimik kaming dalawa ng ilang segundo bago ko napagpasyahang bitawan ang huli kong mga salita para sa kaniya.

"Sabi mo kasi, sasaya ka! Sabi mo, gusto mo ng bagong buhay. I tried to understand your situation. In that 10-second I had minutes ago, I was like—in a hurry to make a decision! Para bang pinag-isip mo agad ako na pumayag sa sarili mong desisyon na maghiwalay na tayo.  Kaya sinabi ko, you should be happy. Na sana, maging maayos at masaya na talaga ang buhay mo, without any complications. You wanted to have a new life, kaya naintindihan kong sa bagong buhay na gusto mo, wala ako roon! Hindi ako kasama! Kasi baka ako pala ang dahilan ng sadness or what-so-ever sa buhay mo. Kaya ginusto ko na lang na sumaya ka, kasi sasaya rin ako roon. At ano kamo? Magkaibigan pa rin? Pwede namang hindi, Miel. At hindi ko rin gugustuhin. It's maybe childish for you but I can't afford to see my ex having his wedding and I am invited! So, ahm... Like what I said earlier, tapos na tayo. Sana maging masaya ka, Miel."

After my dramatic lines, I continued my running scene a while ago and took a cab to go home.

Well, he should be happy.

My heart costs a lot, and he broke it.

#

tinype ko lang kasi hindi ako makakatulog neto. HAHAHAH. maraming errors, pagpasensyahan.

One-Shot Stories Compilation (Part Three)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon