FIRST LOVE
---
Ako si Keziah. Kez kung tamad ka, at Keziah kung masipag ka. Pero alam ko namang Kez ang itatawag niyo sa akin e. Tamad kasi kayo.
Pinapunta ako ni madam sa airport dito sa bayan namin para raw salubungin ko ang magiging asawa ko. Sino si madam? Nanay ko 'yon. Sadyang maarte lang siya at ayaw niya ng nanay itawag ko sa kaniya. Pang-mahirap raw kasi, e hindi naman kami mayaman. Nagtataka tuloy ako, baka ampon talaga ako at korean ang totoo kong pamilya. Anong konek no'n? Ewan ko rin. Hehe.
'Eto naman si madam, hindi man lang ako binigyan ng picture ng susunduin ko. Paano ko 'yon makikilala? Basta, matangkad raw at maputi. Susurpresahin kasi ni madam ang mapapangasawa ko na hindi ko pa nga kilala. Gugulatin daw niya at ako ang susundo. Sa ganda kong 'to, baka pakasalan niya agad ako sa airport. Pero napaisip ako, paano kami maikakasal sa airport kung walang pari? Siguro, hi-hindi muna ako.
Naghintay ako sa waiting area. Malamang, waiting area nga kaya dapat doon maghintay. Tumingin-tingin rin ako sa paligid at baka may makita akong gwapo, matangkad at maputing lalaki. Hindi ko nga rin alam ang suot niya, paano ko naman malalaman kung sino ang susunduin ko?
"Teka! Teka teka!" Sigaw ko nang hilahin ako ng isang lalaki.
Bale hawak niya ang kanang kamay ko gamit ang kaliwa niyang kamay, at sa kabila naman ay may hawak siyang maleta. Sino naman 'tong gwapong lalaking 'to?
"Stop shouting. I'm Lorenzo." Sagot niya sa akin.
"Paki ko naman kung Lorenzo pangalan mo? Babalik na 'ko doon! May hinihintay ako," Sabi ko at maglalakad na sana pabalik pero hinila niya ulit ako. Pusher nga itawag ko sa kaniya? HAHAHAHA.
"Don't you get it?" Tanong pa niya sa isang weird na lenggwahe. Alien ba 'to?
"Tagalugin mo nga ako, pusher!" Sigaw ko ulit. Feel ko sumigaw ngayon ah.
"Anong pusher?" Bobo ba talaga siya? Pero 'di halata ah.
"Malamang! Kanina mo pa ako hinihila e!" Pangangatwiran ko bago tumingin sa pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Bungol. Tulak ang push." Sabi niya sabay irap.
Woah.
Ang gwapo niya pala talaga!
"Kukunin ko lang ang kotse ko, dadaanan na lang kita rito." Medyo tumatawa pa siya habang sinasabi pa 'yon. Ano namang nakakatawa? Saltik ba talaga 'to? Buti na lang, hindi niya ako katulad.
"Teka nga lang. Bakit ba ako sasama sa 'yo?" Nagtataka talaga 'ko ha.
"Aish. Ako 'to. Ako 'yong pinapasundo ng mama mo. Bakit ba ganito ang babae na 'to." Ibinulong na lang niya ang huli niyang sinabi kaya 'di ko na narinig. Pero 'di ako bingi, baka laitin niyo pa 'ko.
Kumapit naman ako sa kaniya na ikinagulat niya. Nginitian ko rin siya. Ang swerte ko! Ang gwapo ng future husband ko! Inggit kayo ano?
"Ikaw pala ang magiging asawa---"
Hindi ko natuloy ang pagsasalita ko dahil sa kung sinong humawak ng puwet ko! Sinong loko naman 'yon?!
Haharap pa lang sana ako sa likuran ko nang bigla na lang may sinuntok si future asawa ko. Nagtitinginan na rin ang mga tao sa 'min! Siya ba ang humawak sa maganda kong puwet?!
"How dare you touch my fianceé?!"
Parang nag-slow motion bigla. Alam niyo ba 'yong nangyayari sa bida sa isang teleserye habang nakatitig siya sa ka-loveteam niya? Hala.
Hala!
Baka nasa shooting kami?
Char.
Wala namang cameras e.
Baka inlove ako? Hala talagaaaa!
First love ko ba siya?
Naputol ang pagde-daydream ko nang hinila na naman ako ni future asawa. Hindi na ako pumalag at nakangiti na lang ako na nakatingin sa kanya. Mukha akong tanga, oo. Pero atleast, gwapo ang future asawa ko. E kayo? Hindi!
Huminto siya at tumingin sa akin pero hindi ko pa rin tinatanggal ang pagkakangiti ko.
"Why are smiling like that? You look like an idiot." Sabi niya at muling umirap na lalo kong ikinangiti.
"Ikaw yata ang first love ko."
#
Ang lame! This is supposed to be a romcom story. Pero parang hindi. HAHHAHA. sorry for errorsss. I'll write a better one next time. Hindi ako sanay ng comedy. Thank you.
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories Compilation (Part Three)
Roman pour AdolescentsOne-Shot Stories Compilation Part One and Part Two can be found on my profile. Thank you for reading!
