Kabanata 6

15.6K 481 131
                                    

06 - Safe

“I told you, didn’t I?! Huwag na huwag kang makikipagkita sa lalaking iyon!”

I curled up on the floor, crying. Hindi ko alam kung kailan matatapos ang paghihirap kong ito. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na kaya.

Isang malakas na hampas ang naramdaman ko sa aking hita, na sinundan pa ng isa. Ang makapal na sinturong hawak niya ang dahilan kung bakit puno ng pasa ang katawan ko. Hindi pa nga gumagaling ang mga pasa noon, may mga bago na naman.

“Ang landi-landi mo! Anak ka nga ng tatay mo!”

Isang malakas na puwersa ang humila sa buhok ko. I can’t even stand properly. The bruises on my body was evident. It was so painful. I wish it to end.

Ni hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit ako pinaparusahan ng ganito. Ang sugat sa gilid ng aking labi ay patuloy sa pagdurugo. She pushed me on the corner of the room to make sure I won’t get away. Hinawakan niya ng mahigpit ang leeg ko.

I am trembling because of fear. I don’t know what  to do. I don’t wanna be hurt anymore but I don’t want to hurt her.

“M-mommy..” I pleaded.

Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. She was very very angry. I cannot help but to cry and tremble. I don’t know what to do. I want everything to end.

“Papatayin kitang malandi ka! Papatayin kita!”

Pinilit kong idilat ang mga mata ko para matakasan ang masamang panaginip na iyon. Butil-butil ang malalamig na pawis saaking noo. Nanginginig ang buong katawan ko na para bang totoong sinasaktan ako at takot na takot. I can’t even breathe properly. Hindi ako makagalaw ng tuluyan dahil sa reaksiyon ng katawan ko.

What was that? A dream again?

Hinila ko ang kumot ko paitaas upang matakpan ang dibdib ko. Tumagilid ako ng kaonti at nakita ko sina nanay na payapa nang natutulog. Nakauwi na pala sila? Kung ganoon, tapos na ang kasiyahan nina Mang Fidel? Anong oras na nga ba? Ang naaalala ko lang ay inihatid ako ni Aziel dito sa bahay matapos niyang ikwento ang pagmamahalan ng araw at buwan.. At matapos kong ibigay ang anklet sakaniya.

Ang kwentong iyon.

Bakit ganoon? Ano iyong mga pangyayaring nakita ko habang nagkukwento siya? Parte ba iyon ng mga ala-alang inakala kong hindi na babalik saakin?

Napa-iling ako. Heto na naman ako. Umaasa na naman.

Masaya na ako rito. Wala nang dapat hilingin pa. Kuntento na.

Pero bakit ganoon? Kung kailan buo na ang desisyon kong huwag nang hanapin ang lahat ng alaalang nawala saakin, saka ako nananaginip at nakakapangita ng kung ano-ano? Hindi ba dapat noon pa? Noong panahong sinusubukan ko pa? Noong hindi pa ako sumusuko? 

Hindi ko malaman kung anong oras akong nagising kagabi o kaninang madaling araw. Basta’t ang alam ko lamang, hindi na ako nakatulog pa. Napakaraming tanong ang gumugulo sa isipan ko. Hindi ko kayang ipagsawalang bahala na lang.

“Agape!”

Sumungaw ako sa labas ng bahay namin at nakita kong nandoon si nanay, tinatawag ako. Mukhang nakadaong na sina tatay mula sa pangingisda sa laot. Dali-dali akong lumabas para daluhan si nanay. Maayos na ang pakikitungo niya saakin kaya naman ayokong magsimula na naman ang panibagong away. Kailangan kong magpakabait.

“Narito na po!”

Sa ilalim ng puno ng mangga nakatayo si nanay. Tanaw na tanaw mula roon ang dagat kaya naman nakita niyang dumaong na nga ang mga bangkero. Natanaw ko ang isang asul na bangkang mayroong nakasulat na pangalan sa gilid. Iyon na nga ang bangka ni tatay.

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon