Kabanata 13

11.7K 368 126
                                    

13 - Sick

"Sukat ba namang magpaulan ka doon! Pinag-alala mo kami!"

Nanginginig ang kamay na sumimsim ako sa mainit na gatas na itinimpla ni tatay. Malakas pa rin ang buhos ng ulan at rinig na rinig iyon sa yero naming bubong. Kanina lamang ay kumurap-kurap pa ang ilaw. Mukhang naaapektuhan ng malakas na hangin ang mga kable ng kuryente sa kanto.

"Ano bang ginagawa mo ro'n, Agape?"

Hindi ko inialis ang kamay ko sa baso. Nanatili ang tingin ko roon at narinig kong nagbukas ng radyo si tatay. Hindi ko na sinagot ang tanong ni nanay. Ang sabi ko sakanila kanina ay nanonood lamang ako ng mga alon, mukhang hindi naman sila kumbinsido, lalo na si nanay.

"Mukhang may bagyo pa ata. Kaya naman pala kahit maaraw kanina ay malakas ang alon!"

Bumaling ako kay tatay. "Sino na pong kasama niyong mamalaot?"

Kung totoo ngang aalis na si Aziel gaya ng sinabi ng babae sa bahay niya kanina, malamang ay naghahanda na iyon. Siguro ay iiwan niya na rin ang trabaho niya rito? Tutal mukha namang hindi niya kailangan pang magtrabaho dahil sa aura ng mga kapatid niya, mukhang may kaya sila. Manilenyo pa.

Pilit kong isinisiksik sa utak ko ang pangako ni Aziel saakin na hindi siya aalis dito at hindi niya ako iiwan. Kahit na ulit-ulitin pa niya saakin iyon, mahirap paniwalaan. Hindi naman niya ako kaano-ano. Siguro nga at magkaibigan na kami ngayon pero hindi iyon sapat na dahilan para talagang hindi siya umalis at iwan ako.

Mahigpit kong hinawakan ang makapal na tuwalyang nakabalot saakin. Naalala ko ang yakap saakin ni Aziel kanina. Yakap na naninigurado at punong-puno ng pasusumamo. Yakap na alam mong hindi ka bibitiwan at mapapano. Yakap na hindi ka masasaktan at hindi ka pababayaan.

Napapikit ako ng mariin. Ang kalmado kong puso ay nagsimula na namang maghurumentado ngayon. Isang yakap lang pero ang dami ko nang naramdaman.

Why do I feel this towards him?

"Hindi na sumasama saakin ang batang 'yon." Diretsa niyang sagot.

Agad akong umiling sa tinuran niya. Napatingin saamin si nanay na abala ngayon sa paghahanda ng tulugan.

"H-hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin, Tay!"

Ngumisi siya. "Wala naman akong sinabing iyon ang ibig mong sabihin."

Nag-init ang pisngi ko. Tumambol ang puso ko nang maaninag ko ang madilim na tingin ni nanay saakin. Alam ko namang ayaw niyang sumasama ako kay Aziel sa hindi ko malamang dahilan.

Matapos akong maihatid kanina ni Aziel ay mabilis din siyang umalis. Ayaw ko sana siyang hayaan pero wala naman akong maibibigay sakaniya. Malaki siyang tao kaya hindi kasya ang damit ni tatay at nasisiguro ko rin namang may damit siya sa bahay niya. Maputla ang labi niya at basang-basa nang umalis.

I felt guilty all of a sudden. Nang makasilong ako rito sa bahay ay ibinilin niya lang ako kina tatay at wala ng sinabi pa saakin. Tumingin lang siya ng saglit saka tumalikod at naglakad palayo.

I sigh.

Bakit ba kasi napaka unstable ng emosyon ko?

Hindi maganda ang panahon nang magising ako kinabukasan. Madilim ang kalangitan at nagngangalit ang bawat alon na humahampas sa dalampasigan. Malamig rin ang simoy ng hangin gaya ng kagabi. May bagyo nga kaya masama ang panahon.

"Gatas po ulit? Hindi na ako sanggol, tay.." natatawa kong bati sa inilapag niyang baso sa harap ko.

Nagpatuloy siya sa pag-nguya ng pandesal. Kami lang dalawa ngayong umaga. Si nanay ay nasa palengke na at tumulong lamang sa pagpapa-ubos ng paninda ni Aling Ising. Hindi na kasi pumalaot ngayon si tatay dahil sa masamang banta ng dagat dahil sa panahon.

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon