Kabanata 35

9K 301 79
                                    

35 - Loved

"M-mommy!" sigaw ko.

Nanginginig ang buong katawan ko habang tinatahak ang daan palabas ng bahay. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga namumuong luha.

"S-sandali lang po!" I sniffed. "Mommy!"

Nakita kong pilit na kumakawala ang ina ko sa hawak ng mga pulis sa braso niya. Napangiwi ang isang pulis na humahawak sakaniya nang kagatin niya ang braso no'n. Narinig niya ang sigaw ko kaya naman bumaling agad siya saakin. Tanging galit ang na sa mga mata niya.

"Ikaw! Ang kapal ng mukha mo! Ikaw ang nagsabi sakanila! Ikaw ang nagsumbong! Walang hiya ka!" the veins in her throat started showing up. "Wala kang kwentang anak!"

Bumuhos ang luha ko. Wala akong kinalaman dito. Hindi ko siya isinumbong. Hinding-hindi ko magagawa iyon.

Umiling ako agad. "H-hindi, mommy.. Wala akong ginawa.."

Patuloy ang pagwawala niya kahit na hawak na siya ng mga pulis. Kinakalas niya ang posas sa palapulsuhan niya at sinusubukang sugurin ako.

"Wala kang utang na loob! Mamatay ka na, Iris! Wala kang kwenta!"

My heart shattered into million pieces. Tinakpan ko ang bibig ko para huwag gumawa ng malakas na ingay. Tuluyan siyang ipinasok sa police car habang nagsisisigaw pa rin ng masasama tungkol saakin.

Nanginginig kong nilapitan ang pulis na nanatili sa labas. Seryoso ang kaniyang mukhang nakikipag-usap sa matandang babae na nakatira sa tabi ng bahay namin.

"P-pasensiya na po, sir." I cried. "Pwede ko po b-bang malaman kung anong nangyayari?"

He cleared his throat. "Wala ka bang alam sa ginagawa ng nanay mo? Ilang araw na namin siyang pinaghahanap. Kasama siya sa nahuli namin sa drug den sa Tondo pero nakatakas din agad. May nakapagturo saamin na rito siya nakatira."

Nalaglag ang panga ko at lalong naiyak. "S-sir, saglit lang po.. H-hindi ko po maintindihan. Hindi po magagawa ng mommy ko ang s-sinasabi niyo.."

Umiling siya. "Nagawa na niya, hija. Ang mga kasama pa niya ang nagsabi ng pangalan niya. Irene Villanueva Lopez, hindi ba?"

Nabasag lalo ang puso ko. Nilampasan ako ng pulis pero bago sila makaalis ay hiningi ko ang address ng police station kung saan dinala si mommy. Dali-dali akong nagbihis saka siya sinundan sa presinto.

Patuloy ang pag-agos ng mga luha ko. Sinong tatawagan ko ngayon? Hindi ko na ma-contact si daddy. Wala rito ang mga kapatid ni mommy. Pati ang lolo ko ay na sa ibang bansa. Paano ngayon ito?

Pinili kong hindi muna pumasok sa pang-umaga kong klase at samahan muna si mommy sa presinto. Mamayang hapon ang play, makakarating pa ba ako? Kaya ko bang iwan si mommy dito?

Agad kong tinakbo ang dulong selda kung saan naroroon ang ina ko. Hindi ko napigilan ang paghikbi nang makita ko siyang nakasiksik sa sulok. Igting ang panga niya at parang galit na galit. Nang makita ako ay tumayo agad siya at lumapit saakin. Kahit na may harang na bakal ay nagawa niya pa ring haltakin ang buhok ko.

"M-mommy.." I whispered.

Her teeth gritted. "Walang hiya kang babae ka. Sinisira mo talaga ang buhay ko!"

Umiling ako. Kahit kailan ay hindi ko iyon magagawa. Kahit kailan ay hindi ko siya kayang isuplong sa mga pulis kahit na abo't abot na hirap pa ang danasin ko. Mahal na mahal ko siya.

"Hindi ako ang n-nagsabi sakanila.."

Umiling siya at lalong hinigpitan ang hawak sa buhok ko. "Nalaman lang nila no'ng nakita mo! Sinungaling kang hayop ka!"

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon