Kabanata 23

11K 356 87
                                    

23 - Fight

Matapos ang pag-uusap namin ni Aziel kagabi tungkol sa kagustuhan kong bumalik, hindi na siya muling nagsalita pa. Kung may sasabihin ako ay tatango lang siya kaya naman hindi ko na pinilit pa. Pero kahit na gano’n ang naging reaksiyon niya, hindi pa rin nagbabago ang desisyon ko. Gusto ko pa ring bumalik.

“Ang ganda nga sa beach na ‘to! Bakit ngayon ko lang ito napuntahan?”

Masayang lumusong sa dagat si Mina. She’s wearing a one-piece bikini. Hawak ko ang sarong niya habang nananatili ako sa beach chair. Mataas ang sikat ng araw at marami ang naliligo ngayon kaya naman nakakalibang manood. Bigla ko tuloy naalala ang kaibigan kong si Mirella.

Malamang ay na sa trabaho iyon ngayon. Hindi ko rin naman siya mapupuntahan mamaya sa bahay nila dahil hindi ako pwedeng umalis basta-basta. Baka magalit ang doktor, lalo na si Aziel.

Speaking of Aziel, hindi ko siya nakita simula nang magising ako kanina. Si Mina lang ang na sa kuwarto ko. Ayon sakaniya ay tinawagan siya ni Aziel madaling araw pa lang para puntahan ako. Ala una na nang hapon ngunit hindi pa rin siya nagpapakita saakin. Siguro, dinamdam niya talaga ang naging desisyon ko kagabi. Alam kong ayaw niya lang akong masaktan ngunit gusto ko pa ring subukan. Kung noon ay ayaw kong gawin dahil natatakot ako, ngayon ay kabaliktaran na. Gusto at kailangan ko nang bumalik. Kailangan kong maka-alala. 

“Agape?”

Nawala ang pagkatulala ko nang may tumawag saakin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jerome na may hawak na dalawang surfboard. Tuyo ang mga iyon at mukhang ibabalik na.

“Agape! Ikaw pala iyan!” humagikgik siya. “Hindi kita nakita, ah! Bakit hindi ka pumasok?”

Kumunot ang noo ko at napatingin sa suot niyang damit. Teka, uniporme ng Placid ito, ah? Dito ba siya nagtatrabaho?

“Bakit ganiyan ang suot mo?”

He giggled. “Hindi pa ba halata? Dito na ako nagtatrabaho!”

Agad akong nainis. “At bakit? Sinusundan mo si Mirella?”

Nakita kong namula ang tainga niya. Nahihiya siyang yumuko at umakto na parang naiihi na naman.

“Hoy! Ano ba, Jerome? Nanliligaw ka na ba kay Mirella, ha?”

Umangat ang kilay niya saka bumungisngis. Nako po. Kung hindi ba naman ito ang pinaka nakakainis na tao sa mundo.

“Hindi naman gano'n..” nahihiya niyang sabi. “Pero, parang gano'n na nga.”

Nalaglag ang panga ko at agad na hinampas siya gamit ang sarong ni Mina. Natatawa siyang umilag.

“Bakit? Sinong gusto mo para sakaniya, ako o yung mukhang unggoy na pamangkin ng gobernador?” mayabang na tanong niya.

“Wala!” inis na sagot ko. “Bata pa si Mirella, hindi pa siya pwedeng maligawan!”

“Bente-singko na siya! Puwede na po, nay!” pang-aasar niya.

Lalo akong nabwisit sakaniya. Gusto ko siyang bugbugin pero hindi ko magawa. Dati pa ako inis sa makulit na ‘to at hindi man lang ako makaganti. Bwisit!

Hinawi ko ang buhok ko. “Sabagay, ano namang pake ko? E, hindi ka naman sasagutin ni Mirella!”

Agad siyang napaayos ng tayo. Bumusangot ang mukha niya saakin at tinaasan ko siya ng kilay.

“Aba’t paano mo naman nasabi ‘yan?”

Ngumisi ako. “Ang type no’n, sexy. Bakit, may abs ka ba?”

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon