Kabanata 27

8.4K 242 61
                                    

27 - Plan

Wala sa sarili kong inilapag ang mga papel na hawak ko sa table. Hindi ako mapakali sa narinig ko. Iiwan niya ang basketball team? Para saan? Bakit? At ako nga ba talaga ang Iris na tinutukoy niya? Ako lang ba ang Iris ang pangalan na nag-audition? 

I sigh deeply. Hindi pa rin nawawala ang kaba ko. Mukhang tinanggap ng teacher na iyon ang alok ni Aziel. Bakit niya ba iyon ginawa? Is he guilty because of what his step mother did? Is this his way of making up to me because he talked to my father? Is that it?

“Ano ba, Iris? Sasabay ka ba o hindi?”

Agad akong napatingin kay Mina. “H-hindi na muna. Mauna ka na, Mina.”

Ngumuso siya saakin saka kumaway para umalis na. I nodded and waved. Dapat makausap ko muna si Aziel bago ako makauwi. Kailangan ko munang malaman kung anong dahilan niya at bakit niya sinabi iyon.

Kung dahil lang iyon sa pakiramdam niyang may kasalanan siya, hindi ko iyon matatanggap. Wala siyang kasalanan. Gaya ko, gusto niya lang na makasama ang mama nila. Gaya ko, nangungulila rin ang mga kapatid niya. Hindi siya ang dapat kagalitan. Hindi siya ang kalaban.

Nanatili akong nakaupo sa dati kong puwesto sa field, umaasa na baka dumaan ulit dito si Aziel at sitahin ako para umuwi. Siguro naman, gaya ng nakagawian ay magpupunta siya rito. May mga naririnig pa naman akong ingay galing sa loob ng court. Malamang, nandoon pa siya.

Almost thirty minutes passed but that Valdemar didn’t showed up. Dumidilim na rin kaya napagpasiyahan ko nang umuwi na. Nilalamok na rin ako.

“Miss Lopez! Bakit narito ka pa?”

I immediately shifted my sight to the woman who just spoke. Bigla akong kinabahan nang mapagtanto kung sino iyon.

Peke akong ngumiti. “Pauwi na rin po ako, ma’am..”

Tumango siya. Inayos niya ang kaniyang salamin pati ang kaniyang shoulder bag saka ngumiti ulit saakin bago naglakad. Hindi pa siya nakakalayo ay nilingon niya ulit ako.

“By the way, I would like to meet you in my class tomorrow. May result na ang theatre pero casting pa lang naman, pwede pang mabago.” She smiled before walking away.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kung ganoon, ako nga ang Iris na sinasabi ni Aziel sa teacher na ito kanina. Ako nga ang sinasabi niyang dapat pang subukan ng isang beses.

Wala sa sarili at naguguluhan akong naglakad pauwi. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangang isuko ni Aziel ang puwesto niya sa basketball team para lang mapagbigyan ako sa theatre play. Ano naman kung hindi ako makapasok? Ano naman sakaniya?

This is all for his guilt, right? Lahat ‘to, dahil lang sa nakokonsensiya siya. Wala na akong maisip na iba pang puwedeng dahilan sa ginawa niyang iyon. Kaya ba wala na siya kanina at hindi ako sinita sa field? Kasi napagkasunduan na nila?

Huminga ako nang malalim bago pihitin ang door knob. Alam kong pagpasok ko rito, ibang mundo na naman ang kahaharapin ko. Ibang katauhan na naman ang dapat kong ipakita.

Nang magbukas ang pinto ay agad na sigawan ang narinig ko. My heart started  beating loudly when I saw my dad holding a huge bag.

“Talagang sasama ka sa kabit mo, Emilio?! Nakakadiri ka! Hindi ka na nahiya!”

I glanced at mommy. Basang-basa ang pisngi niya at namumula ang mga mata. Her chest were moving up and down and I can feel her rage.

“Wala kang pakialam, Irene! Kahit kailan, hindi ka nagkaroon ng pakialam!”

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon