Kabanata 25

9.5K 269 53
                                    

25 - Human

Naging matigas ako at hindi nagpaapekto sa sinabi niya. Kahit na madilim na ay nanatili pa rin ako. Malakas na ang hangin at palakas na nang palakas ang ambon ngunit hindi ako umalis.

How dare his dirty mouth say my name? How dare he call me baby?

Ang kapal-kapal ng mukha. Akala mo kung sinong gwapo! Matangkad lang naman at mayaman! Ni walang appeal!

I looked at the umbrella he left. Kahit na medyo nababasa na ako dahil sa ambon ay hindi ko pa rin iyon kinuha at binuksan. Maninigas ako rito sa lamig pero hindi ko 'yan kukunin!

Malakas na kumulog at halos mapatalon ako sa lakas no'n. I wandered my sight around and shivered when I saw that I'm the only one left. P-pero, siguro naman mayroon pang ibang estudyante na nananatili sa room nila, 'di ba? May late classes naman. I am not alone for sure.

Lalong lumakas ang hangin at umaampiyas na sa gawi ko. I bit my lower lip and looked at the umbrella he left. I rolled my eyes. Ayoko nga iyang kunin! Kahit na mangatog ako rito, hindi ko 'yan hahawakan!

In the end, I was soaking wet when I got home. As usual, tulog na si mommy dahil sa kalasingan at wala si daddy dahil bihira naman iyong umuwi saamin. He's enjoying his stay with his mistress for sure. Ni hindi man lang tumawag o nagtext na baka hindi siya makauwi. Sana man lang nagdahilan siya kahit kasinungalingan. I know I will still believe him if he tell me that. I still believe him.

"Anong oras kang nakauwi kagabi? Hindi ka ba inabutan ng ulan?"

I continued scanning my notes. Kakatapos ko lang sa pagsusulat ng mga hindi ko nakopya. Good thing Mina's notes are complete. Maganda pa ang sulat niya.

"Maaga akong umuwi, Mina. Halos magkasunod lang tayo." I lied.

Tumango siya saka kumagat sa mansanas na hawak. "Ano, napag-isipan mo na ba ang auditions?"

Agad akong napahinto sa pagbabasa. I licked my lower lip before facing her. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko. Dapat siguro, gawin ko naman ang gusto ko ngayon.

"Kailan ba ang auditions na iyon?"

She sat properly. "Next week. Anong kakantahin mo?"

Ivan suddenly entered the room. Mukhang masayang-masaya siya nang pumasok at dumiretso sa upuan niya.

"Wala raw si Ma'am Gomez.." hagikgik niya. "Free time sa Stats!" sigaw niya kaya narinig ng lahat.

Majority of our class left the room. Siguro ay magsisigala lang iyang mga 'yan sa kalakhan ng campus. May iilang naiwan pero mga nakaharap sa kani-kanilang mga libro.

"Ano, Iris? Ipapalista na kita!" Ani Mina.

Ngumuso ako. "Hindi pa ako nakakaisip ng kakantahin, eh. Ano kayang maganda?"

Iniusog ni Ivan ang upuan niya saamin. "Anong meron? Sasali ka na, Lopez?"

I shrugged. "Hindi pa ako sigurado. Wala pang kanta."

I don't really like songs with low notes. Mas nahihirapan ako sa mabababang nota kaysa sa matataas. At sa teatro, dapat umpisa pa lang ay magpakitang gilas agad. Saka, kailangan ay marunong ding umarte.

"Singer ka tapos wala kang alam na kanta?" si Mina.

I slid my left hand into my pocket to get my phone. Marami naman akong kantang naka-save. Mamimili na lang ako.

"Marami ka ring kantang alam, 'di ba?" Tanong ni Mina kay Ivan. "Mag-suggest ka kaya? 'Yung high notes para pasabog!"

Kumunot ang noo ni ni Ivan saka nag-isip. Ako naman ay nag-scroll sa phone ko ng kantang puwede at alam kong kantahin.

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon