Kabanata 42

10.4K 253 35
                                    

42

Abo't abot na kaba ang naramdaman ko nang mabalitaan sa pinsan kong si Almira na bumisita rito sa resort sina mama. Hindi ko inasahan iyon, at kasama niya pa talaga ang dalawa kong kapatid.

I decided to let Agape go home for her safety. Ayokong mawalanan na naman siya ng malay lalo na kapag nakita niya ang ina ko. Inaalala ko rin na baka kapag nakita niya si Ayden na kaklase niya noon ay mapano na naman siya.

"Oh my gosh, son! I missed you!"

Mama walked towards me to give me a hug. Sa likod niya ay nakasunod ang dalawa ko pang kapatid. Atlas smiled at me while Ayden is on his usual poker face.

"Mama, I missed you. What are you doing here?"

It's not that I don't want to see her but, I don't want Agape to see her. Pakiramdam ko'y hindi pa siya handa na humarap kay mama, at ang alam ng ina ko ay patay na siya.

Ilang beses namin iyong pinag-awayan. There are times that I would make a mess and she would always tell me about Elianna's death. Pakiramdam niya ay magigising ako sa katotohanang sinasabi niya. But no, hindi ako naniwalang patay na siya. Her body is not found, paano ako maniniwalang patay siya?

"B-babalik na ako saamin. Sabihin niyo na lang sakaniya–"

"Agape?"

My eyes widened when I saw her inside my small nipa, with Ayden smiling like a dog and Atlas' raising his brows at me.

Lihim akong ngumiti nang ilapag niya ang mangkok na mayroong ulam. Ngumuso ako. Parang dati lang ay magkasama kaming kumakain sa karinderya dahil gusto namin ng lutong-bahay. Ngayon, siya na ang nagluto.

"Pakisabi kay Mang Carpio, salamat.." ani ko.

She shook her head.  "A-ako ang nagluto!"

I raised my brows.  "You don't cook."

"Nagluto ako ngayon." She answered while blushing.

"Why?"

Lumikot ang mga mata niya, tila naghahanap ng mga salitang dapat sabihin. Hindi ko lalong napigilan ang ngiti ko.

"G-gusto sana kitang bigyan." Mahina niyang tugon.

Narinig kong naubo ang bunso kong kapatid saka tumalikod. Pabirong sinuntok ni Ayden ang braso niya na ngayon ay nagpipigil ng ngiti. E kung sila kaya ang sapakin ko? Bakit ganiyan ang reaksiyon nila?

"What the hell are you doing?!"

A loud thunder roared. Nanginginig ang kamao ko at malakas ang pintig ng puso. I was so worried. I was scared at the same time. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang malamang wala siya sa bahay nila sa ganitong panahon. Parang gusto kong magwala sa pag-iisip pa lang na baka napahamak siya. Na baka umalis siya at iniwan na naman ako.

"A-anong ginagawa mo rito?"

I gritted my teeth. "Ako dapat ang nagtatanong sa 'yo niyan!"

Deanna is a family friend. I didn't know why mama brought her here. Noon pa lang ay makulit na ang babae iyan. I don't even like her. Masyado siyang maarte, hindi ko siya gusto. Si mama lang naman ang may gusto sakaniya.

"A-ayokong umuwi." She said with her shaking voice.

Umihip ang malakas na hangin. Lalo siyang nanginig at namutla. Para gustong sumabog ng puso ko sa nakikita ko ngayon. I can't stand seeing her like this. Hindi ko kayang makitang nahihirapan siya at malungkot. Hindi ko kaya.

"We are going home now!" pilit ko.

Umiling ulit siya at pilit na binawi ang kamay niya. Tears started pooling into her eyes.

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon