Kabanata 40

11.8K 341 106
                                    

40 - Moment

Sandali akong sumimsim sa tsaa'ng dinala ng mama ni Aziel. Binalot kami ng katahimikan sa kuwarto at tanging ngiti lamang sa labi ni Alondra Valdemar ang nakikita ko sakaniya. Hindi ako nagsalita dahil wala rin naman ako masabi. Gusto kong isumbat lahat sakaniya ang mga nangyari sa buhay ko pero kailangan kong maging magalang dahil kahit hindi siya ang tunay na ina ni Aziel, siya ang nag-alaga at nagpalaki rito.

Kung noon ay takot akong makita siya, ngayon ay punong-puno na ng lakas ng loob ang puso kong humarap sakaniya. Tapos na akong tumakbo. I am done running from the past. I am done hiding from my demons.

"I am happy na nagising ka na, hija.." she smiled. "It's been a year since the accident. Akala naming lahat ay hindi mo kakayanin.."

I fake a smile, still showing anger in my eyes. "Akala niyo lang iyon."

Tumango siya saka yumuko. She looked classy on her black A-line dress. Manipis ang kaniyang labi at mapula iyon. Her hair is in a clean bun, emphasizing her high cheek bones.

"I understand your anger. Alam kong kahit saang parte tignan ay mali ang ginawa ko noon.." She started tearing up. "I loved you father. At alam kong mali dahil pagmamay-ari na siya ng iba."

Namuo ang mga luha ko. Punong-puno ng sakit ang mga mata niya habang nagsasalita. Imbis na lalong magalit dahil inaamin niya na ngayon ang pagtataksil nila ay hindi ko magawa. Parang unti-unting napupunit ang puso ko.

"I was sold by my family to the Valdemars, bound to marry Ignatius for money.." pinunasan niya ang luha niya. "Pinilit kong mahalin siya at maging mabuting asawa sakaniya. I did everything to please him but at the end, he cheated on me. With my very best friend."

Umawang ang labi ko. I can't find the right words to say.

"They had a son. Constancia died while giving birth to Aziel. Dahil ayaw kong magkagulo ang pamilya namin, I treated him as my own child. Inari ko siya na parang saakin, inalaagan at binhisan, ako ang tumayong ina niya.. Hindi ko inisip na hindi siya saakin galing. Mahal na mahal ko ang batang iyon.." she paused. "Emilio was my employee before. Noong mga panahong gulong-gulo ako ay naroon siya. I was hurt because my husband cheated on me with my bestfriend."

She slid her hand in her pouch. Inilabas niya ang isang puting panyo para punasan ang mga luha. I looked down.

"He even asked me to run away with him. Isasama namin si Aziel at palalakihin namin bilang sariling anak.. Pero, alam kong hindi namin matatakasan ang mga Valdemar. Mahahanap at mahahanap nila kami.."

Tuluyang nabasag ang puso ko. So, daddy did love her. Kahit mayroon na siyang kami, si Alondra pa rin ang laman ng puso niya.

"I tried to fix everything. Kinalimutan ko ang pagtataksil ni Ignatius saakin para lumaking maayos si Aziel. Kinalimutan ko si Emilio dahil maling-mali na minahal ko siya. Until the Villanueva's and the Valdemar's feud rose. I wanted Ignatius to prove to his dad that he can manage the company.." her voice broke. "Emilio was willing to do everything for me. So, I sent him to the Villanueva's to spy.."

"Y-you told daddy to make my mom fall in love so he'll get the informations you needed?"

Umiling siya agad. "Hindi ko inutos kay Emilio na paibigin si Irene. P-pero, iyon ang ginawa niya. Nakuha niya ang mga impormasyon at napabagsak ang mga Villanueva.."

Tuluyang tumulo ang mga luha ko..

Mommy.

"Nalaman kong buntis na si Irene sa 'yo." She smiled sadly. "At si Emilio ang ama.."

Humagulgol siya. I forced myself stop crying. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ang mga hikbi. Aziel is just outside. I don't want him to hear any of these.

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon