Kabanata 7

15K 480 83
                                    

07 - Dance

"I'm sorry.." bulong ko.

I cannot do anything but cry and say sorry. Iyon na lang ang kaya at naiisip kong gawin.

Sa buhay na ito, may mga bagay na kahit ipaglaban mo nang paulit-ulit, hindi magiging iyo. Kahit na kailan, kapag sa iba ito nakalaan, hindi mo ito makukuha. Kung nakapangako na siya sa iba, hinding-hindi na siya magiging iyo.

Kahit na ano pang gawin mo, kung hindi para sa 'yo, hindi para sa 'yo.

I tried very hard. Bago ako magsimulang muli bilang si Agape, sinubukan kong umalala. Tumalon ako sa gitna ng dagat mula sa bangka para malaman kung marunong ba akong lumangoy, baka may alaala ako sa tubig na makatulong para may maalala ako kahit na kaonti.

Sinubukan ko ring magpinta, magdrawing, pati gumawa ng gawaing bahay at magluto. Ngunit sabi nga ng Nanay, kung ayaw, huwag pilitin.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari saakin. Kagabi lang ay nanaginip ako na binubugbog, hinang-hina ang katawan at puno ng pasa. Ngayon naman, naranasan ko ito ng tuluyan. Nanginginig ako sa takot, totoong babae ang nakita ko, totoong sinaksak ako, totoong sakit ang naramdaman ko, totoong dugo ang nakita ko, sumisigaw ako na para bang walang nakaririnig, pwera sa isa, ang lalaking na sa harap ko ngayon.

"Are you feeling better now?" mahinang tanong niya.

Tumango na lamang ako.

Ang boses niya ay parang pagod at nagsusumamo. Pakiramdam ko'y ano mang oras ngayon ay tutulo ang luha mula sa mga mata niya dahil kumikislap ito.

Nabasag ang puso ko habang tinitignan siya. Mayroon pa ring dugo ang ulo niya, pinupunasan lamang niya ito gamit ang tela para mabawasan. At alam na alam kong ako ang dahilan kung bakit iyon ganoon. Hinampas ko siya ng kahoy at tinamaan siya sa ulo.

"P-pumunta tayong ospital.." aya ko saka dahan-dahang tumayo.

Hindi siya gumalaw kaya naman hinawakan ko ang braso niya at pilit na hinila patayo.

"Halika na.."

Umiling siya at ako ang hinila paupo. "Mahina ka pa. Hindi mo pa kaya."

"Kaya ko!"

Kinagat niya ang labi niya, tinignan ako ng mariin saka bumuntong-hininga.

"Pinag-alala mo ako.."

Humataw nang malakas ang puso ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa kaba o sa kung ano mang tawag dito sa nararamdaman ko.

"Aziel!" biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang isang babae.

Mahaba at itim ang kaniyang tuwid na buhok. Maputi siya at mamula-mula ang balat. Naghahabol siya ng hininga at gulat na tinignan ang kasama ko bago bumaling saakin.

Kilala ko ang babaeng ito. Siya ang girlfriend ni Aziel. Ang bumili ng anklet.

"W-what happened?!" pasigaw na tanong niya.

Dahan-dahang tumayo si Aziel na agad namang dinaluhan ng babae, inalalayan niya ito. Nang makatayo ay iniabot naman niya ang kamay niya upang maalalayan ako sa pagtayo, ni hindi nagbigay ng tingin sa nobya.

Pakiramdam ko ay sasabog ang pisngi ko sa sobrang hiya. Hinawakan niya ang kamay ko sa harap ng girlfriend niya!

Nang makatayo ako ay saka siya tumingin sa babae. Pabalik-balik ang tingin niya saakin at kay Aziel na para bang nagtatanong ang mga mata.

"Anong nangyari sa 'yo?" mariin niyang tanong.

"Nothing happened," he held my hand. "Let's go to the hotel. I want her checked."

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon