Kabanata 31

8K 256 34
                                    

31 - Screwed

"As usual.. Hindi na naman siya sasabay." Parinig ni Mina. "Baka naman kasi totoo 'yung sinasabi ni Ivan.."

I deeply sigh. "Mina, we've been together our whole lives! Hindi ka pa ba nagsasawa?"

"Bakit ako magsasawa? Sino pa bang makakasama ko kung hindi ikaw lang!" reklamo niya.

Biglang sumulpot si Ivan. Nakasilip siya mula sa bintana ng kotse ni Mina. "Ang tagal mo naman. Hayaan mo na si Lopez! Tara na!"

Bumusangot si Mina. "Bakit nandiyan ka sa kotse ko?"

"Isasabay mo ako. Hindi ka informed?"

Natatawa akong umiling nang umirap na naman si Mina. Hindi ko alam sa dalawang ito kung bakit lagi na lang silang nag-aaway. Siguro ay hindi lang talaga tugma ang personalidad nilang pareho.

Sinilip ko muna kung nakaliko na nga ba ang kotse nina Mina bago ako lumabas at tumakbo papuntang karinderya. Pagpasok ko pa lang ay tanaw ko na agad ang nakatalikod na si Aziel. My heart started beating wildly. Huminga ako nang malalim bago dumiretso sa pwesto namin.

"Late na naman ata ako, Mr. Valdemar.." ani ko saka umupo sa silya sa harap niya.

He smirked. "Willing to wait naman, Miss Lopez."

Gaya ng nakagawian, si Aziel ang namili ng ulam. Magka-iba na ang in-order niya gaya ng request ko. Ako naman ang naghanda ng tubig, alam ko na rin ngayon kung saan kukunin ang pitsel pati ang mga baso at kutsara. Hindi na rin ako nahihiyang humingi ng yelo dahil mabait naman ang nanay na bantay.

"Babalik kami, nay!" paalam ko bago lumabas nang matapos kaming kumain.

Hinawakan ko ang tiyan ko dahil sa pagkabusog. Kaya nagtataka si mommy kung bakit hindi na ako gaanong nakain sa gabi, eh. Nabubusog na ako tuwing hapon.

"Busog?" tanong niya habang natatawa.

Tumango ako saka bumuntong-hininga. "Tataba na yata ako.."

I heard him chuckle but didn't spoke after that. Iniayos ko ang backpack ko saka nilingon siya. Matangkad nga talaga siya gaya ng unang kita ko sakaniya. Ngayong magkatabi kami, parang hanggang dibdib niya lang ako.

I suddenly remembered the theatre. Hindi ko pa rin tinatanggap iyon. Pakiramdam ko ay wala akong karapatang tanggapin. Hindi ko iyon nakuha dahil sa pontensiyal ko. Nakuha ko iyon dahil sakaniya.

"K-kumusta nga pala ang basketball team?" bigla kong tanong. "Ang sabi ng kaibigan ko, ikaw ang captain do'n.."

Nakita kong umawang ang labi niya at hindi ako tinignan. Mabagal pa rin ang lakad namin. Konti na lang ang estudyanteng kasabay naming naglalakad at karamihan ako juniors pa.

"I'm not in the team anymore.."

Kumalabog ang dibdib ko. What the guy in the court said was right. Hindi na nga siya kasali.

"Bakit naman?" kinakabahan kong tanong.

Umiwas siya ng tingin. "My priorities changed."

Tumango ako at hindi na nagsalita. Malamig ang simoy ng hangin at nagdidilim na, hindi ko alam kung pagagalitan na ba ako pag-uwi ko.

"Ikaw, nakapasok ka sa theatre?" he asked.

Napakurap ako sa tanong niya. Hindi ko alam pero parang may kumurot sa puso ko sa tanong niya. Bakit niya pa tinatanong? Kinukuha ako ng theatre organization dahil sakaniya. Bakit nagkukunwari siyang hindi niya alam?

"G-gusto nila akong bigyan ng chance.." I gulped. "Hindi ko alam kung tatanggapin ko. I messed up-"

"Tanggapin mo.." He demanded.

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon