Kabanata 37

9.1K 278 100
                                    

This chapter contains triggering scenes. Read at your own risk.

If this chapter is confusing to you, please go back to chapter 20. Thank you!

37 - Kill

One month passed and I didn't have the strength to talk to Aziel. Gusto kong gumawa ng paraan pero ayokong masaktan na naman ni mommy. Ayokong mabugbog. Pagod na ako. Puno na ng mga pasa ang katawan ko na halos hindi ko na maitago. Sa pagkaka-alam ko kay tinigilan na ni mommy ang drugs, pero sa inaakto niya ngayon at sa nakita ni Tito Benedict sa cabinet niya, nalaman naming bumalik siya sa gawain niya.

"Why don't you go out, honey? Maybe spend time with your friends before we leave?"

I sighed. Ayokong magpakita kina Mina. Ayokong mag-alala siya at lalong ayokong makita siyang umiiyak dahil aalis na ako.

"Ayos lang po, tito. Nakapag-usap naman na po kami sa phone."

That's a lie. Hindi ko tinawagan si Minerva, o kahit si Ivan man lang dahil kinuha ni mommy ang cellphone ko. Ayoko rin namang makita nila akong ganito at ayokong madamay sila sa gulo namin. Maaaring malaman ni mommy na Valdemar si Mina.

Ipinagpatuloy ko ang pagbuburda. Ito ang panyong ibinigay saakin ni Aziel noong nalaman niya ang totoo. Gusto ko itong ibigay ulit sakaniya na mayroong initial ko. Hindi ko alam. Ni hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob na harapin siya.

"Ang Valdemar na iyon, nakausap mo na ba?" tanong niya.

Malungkot akong umiling. Wala akong mukhang maihaharap sakaniya. Nakakahiya ang sitwasyon ko. Nasaktan ko siya at alam ko iyon. Kahit na sinabi niya nang gabing iyon na pwede ko na siyang iwan ay bakas sa mga mata niya ang sakit. He can't hide it.

"Hindi ka man lang ba magpapaalam?"

Namuo ang mga luha sa mata ko. I don't want to say goodbye. I don't want to leave. Pero wala akong karapatang magdesisyon dahil ito ang utos ni lolo. Kailangan kong sumunod.

"Naghiwalay ba kayo?"

I sadly smiled. Ayokong sagutin ang mga tanong niya dahil parang inamin ko na ring wala na nga kami. Bakit ang bilis namang nawala? Bakit ginagawa ito saakin ng mundo? Hindi pa ba sapat na hindi ako mahal ng tatay ko? Na binubugbog ako ng nanay ko? Bakit kailangan pati ang kaisa-isang nakakaintindi saakin ay mawala at masaktan ko pa?

He took a deep breath. "Hija, mag-usap kayo. Closure. Bago man lang tayo umalis ay maging maayos kayo. Huwag mong sabihin saaking hanggang sa Canada ay dadalhin mo iyan?"

"H-hindi ko po alam, tito.." tuluyang tumulo ang luha ko. "Wala akong lakas ng loob."

Umiling siya. "Hindi naman ata akong makakapayag na may ganiyan kang dinadala. Kausapin mo, Iris. Kung gusto mo ay sasamahan pa kita.."

Lalo akong naiyak. "Si m-mommy, tito. Ayoko nang masaktan. Pagod na ako.."

Agad niyang hinila ako sa bisig niya para yakapin. Doon ko ibinuhos lahat. Lahat ng sakit, galit, pagkamuhi, takot, pagkasawi.. Mga bagay na gusto kong iiyak at isigaw pero hindi ko magawa.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako kakapit. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ko, kung hanggang kailan ang itatagal ko. Bakit mapait ang buhay saakin? Bakit parang wala akong karapatang maging masaya?

Kinabukasan ay ngiting-ngiti si tito habang na sa loob kami ng kotse. Hindi siya naniwala sa sinabi kong nakausap ko na si Mina. Kaya ngayon, sa huling pagkakataon, dadalhin niya ako sa lugar na hindi niya sinabi para sa kaibigan ko.

"Tito, paano kapag nalaman ito ni mommy?" natatakot kong tanong.

Umiling siya na parang wala lang iyon. "Akong bahala kay Irene. Huwag kang mag-alala, kapag naipa-rehab na iyon, babalik na sa dati ang buhay niyo.."

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon