Kabanata 30

9.3K 243 20
                                    

30 - Willing

I tied my hair up to avoid it from falling on my face. I looked at myself in the mirror. Pinilit akong ngumiti para kahit papaano ay mabawasan naman ang lungkot ng mukha ko. I have bags under my eyes because of failing to have a proper sleep. Kahit kagabi ay hindi ako nakatulog. Halos dalawang oras lang ata ang tulog ko. Binabagabag ako ng desisyon kong sumunod kay mommy.

Pagbaba ay naabutan ko siyang umiinom ng kape habang may hawak na diyaryo. I forced myself to smile before hugging her. She doesn’t like seeing me sad. Kailangan kong ipakita sakaniya na ayos lang ako at hindi ako binabagabag ng bagay na ipinapagawa niya.

“Alis na po ako, my..”

Hindi niya pinansin ang halik ko sa pisngi niya at ipinagpatuloy lang ang pagbabasa. Hinawakan ko ang kamay niya bago lumabas ng bahay. It’s still early I won’t be late if I would walk to school. Saka, puro practice lang naman ngayon.

“Ano ba ‘yan! Practice na naman!”

Mina rolled her eyes. “Palibhasa sintunado ka.”

“Oh, bakit? Ikaw ba hindi?” naiinis na tanong ni Ivan.

“At least, kahit papaano ay na sa tono ako. Ikaw, humihiwalay talaga!”

Nanatili akong nakaupo. Kung hindi pa nila ako tatawagin ay hindi ako tatayo para samahan sila sa practice. Wala akong gana. Wala akong lakas na kumanta pa o kahit makipag-usap man lang. Naglalaban ang puso’t isip ko kung gagawin ko ba talaga ito.

Pero, nakapagdesisyon naman na ako kagabi. Dapat wala na itong bawian.

“Parang wala ka sa sarili. May sakit ka, Lopez?”

Umiling ako kay Ivan. “Masakit lang ang ulo ko..”

He nodded, believing what I said. Hindi naman talaga masakit ang ulo ko. Iniisip ko lang kung gagawin ko ba talaga ito, o kung may pag-asa ngang ma-in love saakin ang Valdemar na iyon. Ngayon pa lang ay nakokonsensya na ako.

Natapos ang umaga na iyon at hindi ako sumabay kina Mina sa lunch. Nagbigay ulit si Ivan ng sandwich saakin kaya iyon na lang ang kinain ko. Nanatili si Mina sa room dahil aaralin niya pa raw ang kanta. Si Ivan naman ay dumiretso na ng cafeteria para bumili ng pagkain. Sana pala ay bumili ako ng ulam sa kariderya kanina.

Isinalpak ko ang earphone sa aking tainga. Sinimulan kong kainin ang bigay ni Ivan. Buti na lang talaga at masarap ang gawa niya, kung hindi ay susungitan ko iyon na pinakain ako ng pangit ang lasa!

“Kaya hindi ka tumataba, mahina kang kumain..”

Napatigil ako sa pagnguya. Tinignan ko kung saan nanggaling ang mahinang boses na iyon. Kumalabog ang dibdib ko nang makita siyang nakaupo ulit sa bench na karaniwan niyang inuupuan. He’s not looking at me but I know that I’m the one he is talking to.

Pinilit kong umakto ng natural sa harap niya. Nakikita ko pa lang ang amo ng mukha niya ay nakokonsensiya na agad ako. Kahit na ganoon, nakapagdesisyon na ako kagabi. Wala nang atrasan.

I cleared my throat. “Tinanong ko ba?”

Nakita kong sumibol ang maliit na ngiti sa labi niya. Nanatili ang tingin niya sa kalakhan ng field. His hair is getting messy because of the wind.

“Hindi ka pumunta sa karinderya kahapon.” Aniya.

Tinanggal ko ang isang pares ng earphone ko. “Pinauwi ako nang maaga.”

He pursed his lips and nodded. Hindi niya pa rin ako tinitignan. Galit ba siya dahil hindi ako pumunta?

“Pumunta ka ba?” tanong ko.

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon