Kabanata 17

11.2K 354 117
                                    

17 - Dead

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang magkahawak ang kamay naming naglalakad palabas ng resort. May iba pang mga empleyado na narito ngunit wala silang ibang sinabi at malalagkit na tingin lang ang ibinibigay saamin. Aziel doesn't seem minding it, though.

Hindi ko na rin inabutan si Mirella sa labas kung saan ko siya iniwan. Kahit hindi ako masyadong nagtagal ay nainip pa rin siguro.

Walang bumasag ng katahimikan saaming dalawa. Payapa lang kaming naglalakad sa buhangin habang magkahawak ang kamay. Hindi ko na rin inisip pa kung anong iisipin ng ibang tao, o ng mga makakakita. Wala naman sigurong masama.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay namin. Mahigpit ang hawak niya saakin at parang ayaw bumitaw. Iniangat ko ang tingin ko sa guwapo niyang mukha. Diretso ang tingin niya at may munting ngiti sa labi. Lumakas ang pintig ng puso ko nang mapagtantong maaliwalas ang mukha niya. Hindi na gaya noon na parang miserable siya at malungkot. Hindi na parang iiyak ang mga mata niya.

"Mang Carpio.."

Nanlaki ang mga mata ko at napabaling sa harap. Nakatayo roon si tatay na nanlalaki rin ang mga mata habang nakatingin saaming dalawa. Agad akong napabaling kay Aziel at pilit na pinaghiwalay ang mga kamay namin. Lalo akong kinabahan nang hindi niya iyon pakawalan.

Abot-abot ang kaba kong tumingin kay tatay. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanan niyang kamay at tinakpan ang mga mata niya.

"T-tay!"

"Uuwi na ako ngayon at s-sasabihin ko kay Nieves na extended ang shift mo ngayong araw. Hindi ko kayo nakitang magkasama at magkahawak ang kamay." Ngumisi siya. "Wala akong nakitang gano'n."

Habang nakatakip pa rin ang mata ay umikot siya para maglakad na pabalik. Hindi nawala ang kaba sa dibdib ko.

"Tay! S-sasabay na ako sa inyo!"

"Hindi! Extended ang shift mo kaya hindi ka muna makakauwi!"

Tinanggal niya ang takip sa mata saka nagmamadaling naglakad palayo.

Napatanga ako sa ginawa niya. Laglag ang panga kong pinagmamasdan siya habang naglalakad. Hindi ako makapaniwala sa ama kong iyon!

Narinig kong ngumisi ang katabi ko. "Supportive."

Bumaling ako sakaniya habang nakalaglag pa rin ang panga. May usapan ba silang dalawa?

Ngumuso siya para pigilin ang ngiti.

"Extended pala ang shift mo kaya hindi ka muna makakauwi.." aniya habang tumatango.

Pinanliitan ko siya ng mata. Parang alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"O, ano naman?"

Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Dalampasigan muna tayo?"

Umirap ako habang sinusubukang pigilan ang ngiti na sa huli ay nabigo ako. Tumawa si Aziel saka hinatak ako patungo sa paborito kong lugar. Natatawa akong tumakbo para sabayan siya, hindi pa rin nagbibitaw ang mga kamay.

Hindi na mainit sa lugar nang makarating kami. Wala ring mga taong naliligo sa banda rito dahil malayo ito sa parteng madalas pagliguan. Medyo tago ito kaya naman paborito ko.

Kulay kahel na ang araw at ang kalangitan. Ang dagat naman ay nananatiling asul. Nag-aagaw ang kulay ng dalawa. Tila gustong sakupin ng kulay ng araw ang asul na dagat.

Umihip ang hangin at pumikit ako para damhin iyon. Nanatili si Aziel sa gilid ko. Dahan-dahan niyang hinila ang kamay ko patungo sa upuang kawayan.

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon