Kabanata 21

10.8K 431 244
                                    

21 - Alive

Malakas ang pintig ng puso ko nang buksan ko ang pinto. Dahan-dahan ang hawak ko roon upang sana ay walang makapansin pero nang maisara ko iyon at makapaglakad ng ilang hakbang, may isang nurse na tumawag saakin.

"Miss, saan po kayo?"

I froze. Kalabog na lang ng puso ko ang naririnig ko.

"Bibisita sana ako sa kaibigan ko. M-maling kuwarto." Paliwanag ko.

Nakangiti siyang tumango at tinanggap iyon. "Anong room number po ba, ma'am? Para matulungan ko kayo?"

Umiling ako. "H-hindi na, nurse. Salamat na lang.." ani ko saka mabilis na tumalikod.

Nang mapansin kong sa kuwarto ko ang tungo niya ay agad na akong tumakbo. Wala na ang pasyente roon. Wala na ako roon.

Hindi ko na alam kung saan ako magpupunta. My mind is too clouded. Dapat ba ay bumalik ako saamin at kumuha ng damit? O kahit man lang pera?

Paglabas ko ng ospital ay malakas ang hangin at madilim ang kalangitan. Masama ang panahon ngunit wala na akong planong bumalik ng ospital, o ng bahay namin, o ng hotel. Gusto ko na lang umalis. Gusto ko na lang ulit takasan at kalimutan ang lahat.

Namuo ang mga luha sa mata ko. Niloko ko sila. Pinaniwala. Iniwan at sinaktan.
At lalong-lalo na, niloko ko ang sarili ko.

I fooled myself from the very beginning. I made myself believe that I don't remember anything. But the truth is, I wanted to forget.

I wanted to forget all of my sufferings. I wanted to end every misery and pain. I wanted to forget my horrible past. I wanted to end my life.

Nawala ang lahat saakin. Dinurog ako ng mundo. Sinaktan ako ng lahat.

And I didn't hold on. I wanted to forget. I wanted to die.

What Alondra Valdemar said is true. Elianna Lopez is dead. She is dead because I killed her.

I killed myself.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos rin ng mga luha ko. What have I done? What did I do to myself?

Basang-basa na ako at nilalamig ngunit wala akong pakialam. Ni hindi ko nga alam kung nasaan na ba ako, o kung gaano na kalayo ang nilakad ko. Ayokong bumalik, hindi na ako babalik. Kung kailangan kong kalimutan ulit ang lahat para magsimula ng panibago, gagawin ko.

Tumakbo ako upang subukang tumawid sa kalsada at maghanap ng masisilungan ngunit sa kalagitnaan ng pagtakbo ko ay isang kotse ang humaharurot na dumaan.

Humampas ang puso ko sa sobrang kaba at agad kong tinakpan ang ulo ko. Agad na tumigil ang kotse kaya naman hindi ako tinamaan. Nanginginig ang buong katawan ko sa lamig at ganoon na rin sa kaba. Patuloy ang pagbuhos ng ulan kasabay ng luha ko.

Ang katotohanang unti-unti ko nang nalalaman ang katotohanan ay masakit para saakin. Hindi ko maintindihan kung bakit ko ito nararamdaman gayong noon naman ay gusto kong makaalala.

Nasasaktan ako sa katotohanang hindi ko matanggap. Ako si Elianna?

Nabasag ang puso ko. Ayoko. Hindi ako siya. Kahit anong sabihin nila, hindi ako siya.

Matagal nang patay si Elianna.

"Oh my gosh! Miss, are you okay?"

Nanginginig ang balikat ko sa pag-iyak at dahan-dahang tumingin sa babaeng lumabas ng kotse. Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang bibig na parang nakakita ng multo. Lalo akong kinabahan nang makita ko ang mukha niya.

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon